2 Các câu trả lời
mag pacheck up po kayo sa ob-rei or immunologist. may mga laboratories po na ipapagawa para malaman kung bakit kayo paulit ulit na nakukunan at magpaalaga po kayo sa ob. maghanda lang po kayo ng funds dahil malaki laki po gagastusin sa laboratories, treatments at vitamins. 2x po ko nakunan. nagpaalaga po muna ko sa ob bago at uminom ng vitamins. yung estimation ng lab tests ay aabutin ng 30k+ pesos. di agad ako nagbuntis dahil ang advise sa ospital dapat ipahinga muna ng 6 months yung matres. mas maganda kung 1 yr ipapahinga. 1 yr mahigit ako nagpahinga. now preggy ako 10 wks na. may sinalihan akong fb group para sa mga paulit ulit na nakukunan. dami ko natutunan dun at ang dahilan ay nirereject ng katawan ang baby kaya nakukunan. may iba pang dahilan kaya need ng lab test para malaman kung anong category ka kabilang. eto name ng group: All about APAS and Immuno-Reproductive Cases
Suggestion Lang po Mommy, consult your OB po. Baka need nyo po munang palipasin ng ilang buwan bago po ulit kayo magtry. Itanong nyo po sa OB para maguide po kayo baka need baguhin ang lifestyle o kaya diet atbp. nang sa ganun ay maiwasan nyo po ang miscarriage. God bless po sainyo. Nawa'y maipagkaloob po sayo ang hiling ng inyong puso na magkaroon ulit ng anak.
Roan Amida