Hello mga mommy!
My same problem ba dito sa baby ko mahina mag gatas, 5mons old na sya magdedede lang sya pag tulog or inaantok pag gising ayaw nya talaga magdede kahit gutom na. Nauubos lang nyang milk is 2-3oz pero sa gabi napapadede ko sya 4-5oz basta mahimbing tulog nya dumedede sya kahit tulog, pag gising talaga ayaw nya umiiyak sya. Nakailang palit na kami ng formula milk parang hate nya talaga ang gatas. Umayaw din sya sa breastmilk e. Kaya di ko napalakas gatas ko kase walang direct latching. Super stressful talaga kase mataba dati sya eh pumapayat na ngyon kase mahina magmilk. Nakailang doktor at pedia na din kami kaso yn talaga wala syang sakit nasaknya talaga ung sadyang mahina mag gatas. Nakapag pedia gastro na din kami wala naman nakita saknya. Ano pong ginawa nyo sa baby nyo para bumalik yung gana nya magmilk? Nakailang vitamins na din po kami wala epek sknya tapos mas marami pa syang gising kesa sa tulog. Hyper po talaga nya.. maraming Salamat po sa sasagot.