Kabet

Mga mommy panu Kung Malaman Nyo na Meron katext ang asawa Nyo??.. Iba pala talaga pag naramdaman ng babae na yung 100% na nagloloko ang asawa mo,hays kagabi kase Hindi sadya nabasa ko Sa Cell phone nya Meron Nag text na girl na (namiss kita!) tapos Hindi ko mapigilan binato ko sakanya ang cell phone nya.pero bago ko binato sinulat ko ang number ng girl at hinanap ko Sa messenger at nag view ako Sa Facebook profile nya.ang Hirap pala na pregnant pa ako ng 7months Hindi ko mapigilan ang emotion ko!na parang gusto Muna mawala na parang bula kagabi?.. Kayo mommy panu Nyo nalagpasan At magpatawad Sa asawa Nyo?.. Thank you in advance Sa reply mga mommy.

Kabet
7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy! Nako, yung akin nahuli ko sa text din. Iniscreenshot ko tapos hinanap ko din sa facebook, nahuli ko pang may secret (hidden) messages sa viber (yung may password pa). Kinompronta ko agad. Kinutuban lang din talaga ako! Buntis din ako nun, mga 3mos., pinipilit kong wag magalit kasi baka maapektuhan si bebe ko. Pero nag-iiyakan kami. Yung iyak niya kasi nahawa siguro sakin yung tukmol na yun, tsaka napahiya siya, huli ko e. Hindi naman namin natapos yung usapan ng isang araw e. Sabado ko nalaman yun, Kinabukasan direcho kong simbahan, di nagdasal ako para saming mag-ina, umiiyak ako habang nagmimisa. Ikinasal kami at lahat, di ko alam na nag-chicheat na siya non. Nung ikinasal kami, nabuntis agad ako, after 3mos. ko pa nalaman. Langya. Sabi ko nga pasalamat siya kung nalaman ko lang agad bago kami ikinasal palagay ko matagal na kaming hiwalay. At eto pa, ang sabi niya, hindi daw alam nung babae na may girlfriend/fiance siya. Imposible!!! Mabilis na hanapin ang tao ngayon sa facebook lang e. E ang profile picture ng husband ko, kaming dalawa! Imposibleng hindi alam nung babae. Imposible talaga. Kaya hanggang ngayon, nanggigil pa din ako sa kanilang dalawa. Hindi ko sila mapapatawad. Panahon na lang ang makapagsasabi kung kelan ako makaka-moveon. Pero pinili ko pa din mag-stay, pero hindi na ako kampante gaya noon, kailangan ko na protektahan ang (mga) anak ko. Anytime na iwan niya ako, nakaprepare ako.

Đọc thêm
6y trước

Super thank you sis.dito Lang ako nakakapag labas ng Sama ng loob ko Hindi ko rin makwento Sa parents kase mahirap din. Baka Hindi pa ako Nag uumpisa iiyak na ako At Hindi ko mapipigilan sarili ko..kaya dito ako Nag post At Nag labas ng Sama ng loob ayuko rin kase na May masabi sila Sa asawa ko masakit parin yun kase ama parin yun ng anak ko. Miski Sa mga kaibigan Hindi rin ako Nag kwento kaya akala Nila perfect family Kami wala away walang babae asawa ko Kung Alam Lang Nila Sa likod ng sinasabi ko na Okay ako pag wala na sila umiiyak ako At Hindi ko mapigilan hays.daming questions sa isip ko.. pero mas nangingibabaw yung baby ko ilang buwan nalang lalabas na sya At sya nalang pinaghuhugutan ko ng lakas At kakampi ko Sa lahat ng Bagay.

Me naman sa another account nya na fb, nakalog-in sa chrome ng cp nya natuklasan ko na may mga chinachat sya na mga babae (mga babae na di nya friend sa original fb nya, pero kilala nya). Sinasabihan nya ng miss na kita mga ganung word.. At ang date ng mga chat nagstart nung mga panahon na magjowa palang kami hanggang sa mag-asawa na kami.. Pero imbes na magwala ako at awayin sya, I remain calm pero umiyak ako haha. And I asked him bakit nya nagawa yun at ang sagot nya lang wala lang daw yun, at hindi nya na daw uulitin, kapag inulit daw nya ibato ko daw ang cp nya..sabi ko naman 'di ko lang ibabato cp nya hihiwalayan ko rin sya. Syempre sa mga nagdaang araw hirap ibalik yung tiwala, pero pinaramdam naman nya na dapat ako magtiwala ulit..

Đọc thêm

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-66987)

Naiintindihan po kita kasi nakakagalit naman talaga pero hindi niyo na po sana pinost ang face ng girl kasi kung ako yun. sa asawa po ako magagalit hindi sa kabit kasi sa asawa mo ikaw may commitment.

Thành viên VIP

dpende po sa effort ni hubby. nagloko din po yung hubby ko ng ilang beses pero ayaw nya talaga hiwalayan ko cya. kaya sinabi ko nalang sa sarili ko na mag focus nlng ako sa baby ko.

Bka nman hnd aware ung girl na may asawa na ung lalaki? Alamin m mna. Pro normal lng yang nagalit ka xmpre.