HIV test
Mga mommy okey lang po ba na hindi na ako magpa HIV test kasi sigurado naman po ako sa sarili at sa asawa ko.dagdag gastos din po kasi.
libre lang naman po siya mumsh plus super bilis lang like wala pang 30mins. Tanong ka lang sa municipality nyo kung saan nagcoconduct ng libreng hiv testing.
required na yan ngayon sis! safe man kayo ni partner mo, may different platforms kasi para maacquire nio ang HIV. so need talaga makita ni ob ang result.
Hindi naman para sa inyo yang test, para kay baby yan. Kaya better na pacheck nyo na din. Kaming mag asawa sure naman din, pero nagpatest pa din kami.
Maganda din mgpatest ng HIV screening, well confidential nman un at libre sa mga public Hospitals or Centers. Just need recommendation from your OB.
ako po 35 weeks na ko hindi naman ako ni require ng ob ko. Yun lang std test ang nirequire nya. baka naman pwede na hindi ask mo na lang sa ob mo.
Nagpatest ako dito sa amin sa Center almost 400 nabayaran ko CBC nalang yung kulang ko..walang libre2 sa municipality may babayaran ka din
sa hospital na pinagccheck upan ko kasi required sya.so nagpatest na din ako.maganda na din magpatest para sure.
Need po yun talaga..ako kakatapos lang ng hiv test ko,awa nmn ng dyos ok lahat ng test..and wala po sya bayad
Required po. Consult your local health center po, free lang siya or for a very minimal charge lang siya. :)
Meron din po libre nyan tanong po kayo sa public hospital sainyo. kahit wala kayo hiv kailangan po yan.