Hello. Hindi rin ako naniniwala sa aswang. Sa Religion namin na Islam, ang pinaniniwalaan namin ay Jinn or pinakamalapit na kahulugan sa filipino siguro maligno.
Sa paniniwala namin kapag umalulong ang aso ibig sabihin nakakita ng Jinn, kaya may dasal kami sa Allah para protektahan kami laban sa Jinn.
Yung mga pagtatapon ng asin or pagsasabit ng bawang, hindi namin ginagawa kasi mawawala yung pananampalataya namin sa Allah, dahil si Allah lang nakakatulong samin, hindi asin at bawang.
Hindi siya tools para maitaboy ang mga maligno, ang tool ay dasal.
Sa kwarto namin sa uluhan bintana tapos sa balkonahe naman may sliding door. Pero ganon pa man hindi ako nakakaramdam ng kung ano-ano. Nalabas pa ako sa gabi mag-isa minsan madaling araw pa.
At sa paniniwala namin, kung hindi ka takot sa Jinn, at lagi kang nagdarasal, Jinn na ang matatakot sayo, dahil hindi niya alam paano ka sasaktan at may panlaban ka pang mga dasal.
Millennial Ina