Nahulog mula sa STROLLER

Mga mommy, nahulog ung baby ko mula sa stroller. Going 10 months si baby. Ganito po kasi nangyari. Nilagay ko sa harapan ng kapatid ko ung baby ko na nsa stroller. Sabi ko sa kanya ay tingnan/bantayan muna. Nakailang paalala pa ko kasi titimplahan ko lang ng gatas si baby. Then mamaya may narinig akong lumaglag. Pagtingin ko baby ko nasa sahig na. Umiyak na ko ng husto kasi natakot ako. 1st time lant nangyari sa anak ko. Sabi ng kapatid ko napakabilis daw ng pangyayari kasi nilalaro pa nya mamaya nakita nya nakatayo na daw at tumalon. Sobrang nagtataka ako pano nakatalon e mataas namn harang. Isa p di pa kaya tumalon ni baby. Nakakatayo tayo palang sya. Sbi nya di dw umiyak si baby nung makita nya sa sahig. Semento yung sahig. Umiyak lang si baby nung mag iyak ako. Parang nagulat din. Nakapadapa si baby nung kunin ko. Saglit lang sya umiyak at wala ding gasgas o bukol. Pero worried pa rin ako. May same case ko po ba dito?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy yung LO ko nalaglag sa bed at 4 mos. Super traumatic as a parent, i feel you. Observe mo po muna si baby, if masigla naman, magana pa rin kumain/dumede, walang changes sa behavior, ok lng po. We had our check up with pedia and nagpa xray din kami just to be sure and thankfully wala naman findings. ❤️

Đọc thêm