FIRST TIME MOM

Hello mga mommy! Hingi lang ako advice hehe first time mom po kasi ako and bukod po kami ni partner both sides. Kumbaga ako at siya lang talaga and malapit na rin ako manganak. Gusto ko sana na kahit manganak ako is bukod pa rin kami. Gusto nya kasi na kapag nanganak ako is doon muna kami sa Mama ko para raw may katulong ako kay baby and sa pag galaw galaw ko kasi mag work pa rin siya. Ayoko naman kasi nahihiya ako makitira kahit ilang buwan lang sa Mama ko dahil una sa lahat hindi naman kanyang bahay yon kundi sa step father ko and baka manibago yung mga tao sa bahay once na may baby. Gusto ko sana ako na lang mag-alaga kahit mahirap is kakayanin tutal choice ko rin naman na mag anak. May same experience po ba rito na after manganak is walang kasamang fam or matanda bukod kay mister? Thankyou. #firsttimemom #advicepls #firstmom #firstbaby #FTM

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

personally mommy, ako po, may kasama tuwing hapon whixh is my husband, then nakita din ng mga sisterets ko na nahirapan ako because cs ako then i have to drink meds, gamutin ung tahi and lack of sleep din ako. so they paid for yaya every morning, dun ako nakakatulog, though pagising gising kasi ke baby. medyo mahirap po sya na magisa.. but, tbh, ayoko din may kasama lalo na ung may pamahiin, kasi magtatalo talaga kami. may one time dumalaw ung mother ng husband ko then she put knife everynight sa table namen. something pantangal bad spirit. syempre as much as possible ayokong makipagtalo, nakakapagod un.. studio type lang po kami at delikado talaga yung kutsilyo sa table. tinatago ko na lang ulit. my point here is mas makakagaan kapag may kasama ka, pero mahirap din lalo na kung iba yung perspective ninyong dalawa. tapos mil mo pa. gets ko point ni husband mo po, kapag ramdam mo kasi ung pagod, dun minsan nagtitrigger ang postpartum. so isipin niong mabuti

Đọc thêm

based on my experience, 1st and 2nd baby ko. iba pa rin ung may katuwang ka for the few weeks after giving birth. Kasi hinang hina ka pa talaga. And kulang ka pa talaga sa tulog, di ka makalakad ng maayos kasi if ever tahian ka, nag bbleed kapa. kung ayaw mo po muna dun sa mother mo, pwede naman siguro pakiusapan mother mo na puntahan ka kahit sa morning lang. Ako noon, d ko talaga kaya. Kasi nag wowork si partner that time. Di ko maasikaso kahit food, labahan, mag cr,mag poops, makatayo, lakad, karga, makatulog. kasi nga nakakatakot since walang sisilip kay baby. Kahit po kasi ngayon iniisip natin na pagkapanganak natin eh kaya natin nakapdende parin sa pangangatawan at lakas ng katawan natin kung magagawa nga talaga natin un. Madaling isipin pero pag nandun kana sa sitwasyon, baka mabinat ka lang. mas lalo ka pong mahihirapan at di mo maaalagaan si baby kapag katawan mo ung sumuko.

Đọc thêm

hello mii ang payo ko po sayo is kung ayaw nyo po makitira sa ibang bahay, kuha po kayo ng makakasama sa bahay, you need po ng support system lalo na po sa 1st 3months (esp cs), ndi nyo po talaga kakayanin, baka mabinat po kayo lalo kau magsuffer ni baby bukod din po kami ni hubby, pero sa ibang bansa po kasi cya ngwowork, iniwan nya ako sa bahay nung 4months na ako,, kasama ko naman ung kapatid kong lalaki kaya lang gabi na cya nauwi from work, so literal na kasama ko lang cya talaga sa gabi then nung malapit na ako manganak umuwi muna ako sa amin,, 2months na c baby nung bumalik hubby ko... 4months ni baby solo na po ulit ako mhirap pero kinaya medyo nkkbreakdown lang sa una, mahirap po, salute sa all nanay na keri nila magisa ng my newborn..pero kung my tutulong nmn sau, mgpatulong po kayo not only for your physical health pati emotional at psychological health

Đọc thêm

FTM din ako and naka bukod kami ni hubby since nasa province and parents nya. Simula buntis ako ako lang naiiwan magisa sa bahay. Ang ginagawa namin ng asawa ko bininilhan nya na ako ng food hanggang gabi or magpapautos sya sa kapatid nya na malapit samin nakatira para bilhan ako ng food. pero yun nga kapag wala ang sister nya binibilhan nya na ako ng kakaylanganin ko bago sya pumasok sa work. Kaming dalawa lang ni baby ang naiiwan sa bahay sa una mahirap pero kapag nasanay kana sa ganung routine madali nalang 😊. Mas gusto ko pa nga yung kaming dalawa lang ni baby sa bahay kesa may ibang kasama eh 😅. Kaka 6 mos lang ng baby ko kahapon 😊.

Đọc thêm
1y trước

Same

Twins ang first pregnancy ko. 10 days sa hospital. Lockdown era kaya solo ko talaga lahat. 😅 Paglabas ng hospital kami lang ni husband. May napasyal lang sa bahay pero yung katulong sa pag aalaga, solo ko talaga. Kinaya naman lahat. 3 yrs old na twins ko and pregnant again. Solo ko pa rin lahat ahhahah. Masaya kasi walang nangengealam. As in my children, my rules. Dumaan saglit sa postpartum anxiety pero yung husband ko all out sa pag help sakin. Siguro magkakaiba tayo ng pagdadala ng "motherhood". Sa iba madali, sa iba mahirap. Basta embrace it. Lahat ng hirap, pagod, luha, puyat eh lilipas din. ♥️♥️

Đọc thêm

First time mom din po ako and 1year na baby ko now. 😊 Nakabukod kami ni hubby since nung nagpakasal kami. Initially, want ko din sana kayanin on my own. Thank God super mapagmahal ng mother-in-law ko at siya nagpresinta na samahan kami sa bahay sa mga unang linggo. I took it, and never regretted it. 😊 Kahit 2weeks lang 'yun, soooobrang grateful kasi recovering pa lang ako and CS. Kung may pwedeng magvolunteer na makasama ka, igrab mo na momshie. 😊 Hindi naman porket need ng help magiging pabigat or what. You are still a great mom kahit need mo ng extra set of hands this season. 😊

Đọc thêm

kuha ka po kasambahay kapag ayaw mo lumipat...sa unang weeks po kasi sa totoo lang po mahina pa katawan natin after manganak kasabay pa dun yung puyat mo. depende kung ang baby mo masanay matulog ng gabi or mamumuyat. normal delivery ako pero hindi normal yung lakas ng katawan ko, medyo na feel ko na mas lumakas na ko ulit mga 3months pa. but until now 8months si baby iba pa din feeling kapag nagbubuhat ako ng medyo mabigat. nabinat ako wala pang 1month baby ko kasi feeling ko ok na ko, pinilit ko magliligpit at kung anu ano. lalo na if magpapa breastfeed ka...puyat at pagod ka plus gutom

Đọc thêm

hi momsh, naiintindihan ko ang point niyong dalawa ng mister mo, pero pwede rin naman if okay din sa mother mo na diyan na lang siya tumira muna sa inyo ng ilang buwan para may katulong ka mag alaga kay baby, mahirap kase talaga lalo na ang 1-3months. kase bukod kay baby, need rin ng mag aalaga sa iyo, baka rin kase mabinat ka kung ikaw na nagaalaga sa baby mo tapos ikaw pa rin ang gagawa ng lahat ng household chores. hindi biro ang manganak momsh, you have to take care of yourself too. kaya hindi masama ang dagdag na helping hand lalo na from our parents.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Ftm ako at narito kami sa bahay ng partner ko na kasama ang nanay niya. Mi, mas mahirap talaga kapag nakikisama ka sa ibang bahay. Lalo na iyan hindi pala bahay ng mama mo yung planong tirahan ng mister mo. Maiilang ka riyan at baka ma-post partum depression ka pa. Based on my own experience na hanggang ngayon ay dinadanas ko pa, mas mabuti pa ngang kayong mag-asawa na lang ang magsama kahit mahirap. Pisikal na pagod lang ang iindahin mo, hindi ka mag-iisip nang mag-iisip. Kailangan mo ng healthy surrounding hanggang sa paglabas ni baby.

Đọc thêm

Same tayo mommy, ganto ganto rin set up ko after manganak ako lang magisa magaalaga sa baby yung lip ko naman sabi niya sakin kapag kaya ko na kumilos kilos saka niya ko iiwan for work, since umuupa kami at siya ang provider sa ngayon dahil buntis pa ko then after mag aalaga pa ng baby kapag anak ko , due ko na this month oct. 23. Good luck to us mommy!!!💗 kaya natin to para sa anak natin lahat gagawin. Pray lang tayo always na gabayan tayo ni Lord🙏❣️

Đọc thêm