Pamahiin sa lindol
Hello mga mommy currently 33 weeks na ako and kanina lumindol pero mahina lang. Naniniwala ba kayo sa pamahiin about lindol? Uminom lang ako tubig at nagbasa ng bunbunan. #advicepls #firstbaby #pleasehelp #FTM #firstmom #firstmom
hindi din po ako naniniwala sa mga pamihiin pero in laws ko oo hehe. For world peace naligo na lang ako dahil yun bilin ni MIL since nakikitira lang din sa kanila 😅 refreshing naman maligo dahil mainit din naman hehe. pero lindol is lindol lang talaga haha
dito sa mindanao. madalas lumindol. pero diko alam na may kasabihan pala kapag lumindol maliligo dpt. e sinabi lng ng friend ko yun. kaso pano ko maliligo after lindol baka mmya magka after shock mas delikado.
Actually, 20 na pagyanig ng lindol ang hindi po nararamdaman sa isang araw. Wag po natin hayaan na kontrolin tayo ng mga pamahiin.
Hindi po hahaha nung buntis ako lumindol din wala naman masamang nangyare samin ng anak ko sa loob ng sinapupunan
myth lng po yan mhie wala po epekto ang lindol sa pagbubuntis kasi ang lindol galaw yan ng lupa 2023 na tayo hehehe
opo mdyo malakas po dine s batangas,ala nman po masama kng sumunod tayo s mga matatanda♥️
Hindi po mi. Myth lang po yan 😅 minsan nga po hindi ko pa alam na lumindol pala hehe
naku baka naman siponin ka pa nyan pag babasa ng bunbunan. di po yan tunay.
hindi po totoo. nalindolan ako noon. ok lng naman anak ko pgkalabas
Dali dali ako naligo and hindi na pinasusuot yung damit na suot ko