malapit na
Mga mommy ask q lng po ano po ba yung mga sign ng manganganak kna po 1st tym q po kc. Ty ?im 37 weeks and 2 days ?
Nung sakin po ganyan din mag 37weeks na, nakaramdam ako paninigas ng tyan buong araw nag start midnight di ko alam na labor na pala yun humihilab sya ng humihilab may minutes yung itatagal tas mwawala tas babalik ulit. After non kinagabihan may lumabas na sakin na dugo, tas ilang minutes may jelly texture na dugo na yun daw po yung tinatawag ma mucus plus, ang sabi once na may lumabas po sainyo na anything lalo na dugo mag punta na po agad ng hosp. Pumunta ko agad non, then 3cm na po ako. Kinagabihan nun nanganak na ko :)
Đọc thêmDepende po, kc skin po.nagleak lang may lumabas na tubig 6am walang pain.inadmit agad ako,naglabor ako lumabas lang ang pain 1pm pa kala ko nga mauubusan ako ng panubigan pero di pla sobrang dami pa.tapos 5pm nailabas ko na c baby.
nung ako 1st tym ko nangank nun. 38 weeks pumutok na panubigan ko.. pag napaihi ka na ndi mo mapigil panubigan na yun
kapag madalas na sumasakit ang puson hanggang balakang na pra kng naiihi at natatae at may spotting
Tumitindi po ang sakit sa puson, tyan at kintagalan sa likod. Tapos pahinto hinto ang sakit.
Mag sit up kana. Mami at lakad lakad para matagtag ka at mabilis manganak.
like may discharge kana momsh at may nararamdaman ng sumasakit
Masakit balakang at di mapaliwanag na pain sa tiyan
contraction po every 5 mins interval
ano po ung contraction
Yung contraction mommy. Parang naninigas na masakit yung tyan mo ilanv minuto lang yun tapus babalik ulit paulit ulit. Hanggang mapapansin mo na may interval sya. For example every 3minutes sumasakit then 2 minutes walang sakit.
Mama of 2 playful superhero