Late pregnancy
Mga mommy, ask ko lang po if meron dito late na nag baby, got married sa 30s nila? im 32 y.o, no experience pa sa sex and planning to do it na po, they are saying na mahihirapan daw po ako manganak or there is a possibility na may prob ang baby pag lumabas. Base on your experience po, is it real po ba? Nahirapan po ba kayo?
married at 32, got pregnant at 36 twice same yr. high risk ako due to maternal age, pag 35 up na kasi ang babae, minsan mahirap na makabuo dahil sa low quality ng ang ibang eggs kaya minsan nag kunan dahil sa chromosomal abnormalities ng embryo. yung iba, kagaya ki madami komplications na kasi sa ganyan edad lumalabas yung mga hb, diabetis or iba pang complications lalo na pag strong family blood line ay my mga health problems.. pero remember, hindi lahat ha,.. yung iba healthy nmn magbuntis.. isa lang ako sa example na hirap magbuntis, and nung ngbuntis na.madami naman complication.. pray lang and have a healthy lifestyle before trying to conceive... i have pCOS with uterine and cervical polyps incompetent cervix hypertensive irregular heart beat considered hypertyroidsm high level blood sugar( but not diabetic) high risk of preeclampsia if kaya po ng budget nyo, pls go to OB- infertility specialist if ever nahirapan ka mgbuntis para sure na guided ka. and lipat ka OB- perinatologist if buntis kana para safe ka and yung baby mo soon.. godbless and pray always
Đọc thêmI got married at the age of 31, got pregnant the same age. Then nanganak at namatay dahil preterm, then got pregnant again at the age of 33. Nanganak ako days nalang going 34. I don't believe na mahihirapan. Siguro if may health issues kayo yes mahihirapan, in my case hindi ako nahirapan. Matagal lang nailabas ang baby ko kasi malaki sya at maliit akong babae. Mahirap naman po talaga manganak wala pong madali. But if you live healthy and eat healthy, both of you and your hubby/partner are healthy then madali lang magkaka anak, lalo na kapag regular ang period. Ang high risk to get pregnant is nasa 35 above. At about sa baby na may problem pag labas mangyayari lang yan if nasa lahi niyo or you eat unhealthy foods and have unhealthy habits during pregnancy. If healthy naman kinakain at happy ka naman during pregnancy then malabong may complications ang baby paglabas.
Đọc thêmGot married at 27, had my first baby just last October and I'm currently 32 going 33 sa October. My baby is healthy at hindi ako nahirapan sa pregnancy ko. Walang paglilihi at hindi ko naranasan yung pregnancy sickness thank god. Sa delivery naman, E-CS ako due to gestational hypertension at maliit ang sipitsipitan pero other than that, all goods naman. Di din ako nahirapan sa recovery, siguro kasi may katuwang ako na mister pero pag uwi ko sa bahay from hospital, nakakagawa gawa na ko ng small task at nabubuhat din si baby ng saglit. You can do it ses. Basta if planning ka na talaga, make sure to take folic acid and pamonitor ka ng health mo esp. your blood pressure and sugar level.
Đọc thêmnabuntis po ako at 35 years old after 8 yrs of marriage & 2 MC, may 4 na myoma & pcos I'm currently 36yrs old at 24weeks. sumuko na tlga ako given na may edad na ako & with may condition also di kami financially capable para sa mga treatment that could help us to get pregnant. pinag pa sa Diyos ko nlang lahat. & nun time n nalaman kong preggy ako di na ako pumasok sa work. as is rest tlga to sustain my pregnancy. ang tagal kasi namin ito inantay. financially & emotionally draining sya kasi wala ako income, asawa ko lang ang working as minimum wage earner, nahingi nalang kami help sa mga relatives. praying & hoping na ma sustain namin ang pregnancy namin up to full term 🙏
Đọc thêmhad stage 2 cancer at age of 30. got married at 31, got pregnant at 32 and will give birth at 33 😂 prior getting pregnant nagpaalaga ako sa ob and perinat. so far ok kami ni baby safe siya and lalabas na siya this feb. pag naalala ko ung sinabi saken ng onco ko na baka mahirapan ako magbuntis dati abot langit hagulgol ko ngayon abot langit ung pasasalamat ko 😇 basta sundin mo sinasabi ng ob mo wag ka maniniwala sa mga hearsays at magdasal ka palagi na maging safe kayo ni baby and palagi mo siya kausapin
Đọc thêmwala naman sa age nasa lifestyle ng babae kung pano nya palagaan ang sarili, me im 39 1st pregnancy ito at manganak ako by age 40 yes consider high risk dahil sa age pero so happy ako dahil lahat ng labtest ko normal lahat, normal ang bp at sugar ko. My mas bata pa sakin nagbuntis pero my pre empclamsia at my gestational diabetic, so wala sa age nasa katawan ng tao. basta ako proud whatever age will be i am right now! by Godsgrace both lab ko at ultrasound ni baby ay healthy lahat!
Đọc thêmako po kapapanganak ko palang nung Dec 15,2023.. I'm 38 yrs old na po sa 2nd baby ko. unang pregnancy ko ee nung 29 yrs old naman ako. daming binantayan namin ng OB ko neto sa 2nd baby ko high risk kasi dahil maternal age din tapos hypertension and gestational diabetes. basta lagi lang ingatan sarili and pupunta sa OB para maalagaan po kayo parehas ni baby. sundin din ung mga meds and vitamins. at siyempre higit sa lahat Prayers po pinaka mabisa po yun. Good luck po.
Đọc thêmHi same tayo. 30yrs old na kinasal. And Kaka 32 ko lang last December and 7 weeks preggy na ko now. Medyo mahirap talaga mag buntis ang nasa 30s na pero ok lang importante nagpapa check up ka at aalagaan mo ang sarili mo specially sa foods na kakainin and sa mga activities. Pero di naman lahat nagkaka problem sa baby, need lang ng tamang vitamins, foods and regular check ups. And also prayers everyday 😊 Goodluck sating mga 30s na preggy mom, kaya natin to.
Đọc thêm31 ako 1st nabuntis-miscarriage. 32 nabuntis ulit and naging okay naman. Wag ka lang lalagpas 35 kasi medyo high risk na pag ganon. Tho madami naman nabubuntis pa din ng ganong age, depende pa din talaga sa katawan mo. Pero ayun nga, bukod sa hirap magbuntis, hirap na di mag alaga ng baby pag medyo may edad na haha! Ang sakit na sa mga buto buto 😅 pero di din totoo na may prob ang baby agad pag ganon.
Đọc thêmAko po, got married at age 28. Pregnant at age 35. Delivered the baby at age 36. Sa awa po ng Panginoon, healthy at safe naman po si baby. Yun nga lang, dahil sa age ko at obesity, nag eclamsia ako during delivery. Pray lang po, Mii. Si Lord po ang lahat ng gagawa ng paraan para sayo at sa plano niyo pong pagbe-baby 😇
Đọc thêm
Preggers