Wrist pain, dahil ba sa pamamanas?

Hello mga mommy! Ask ko lang baka meron din nakaexperience nito. Masakit kasi yang part na may red, lalo yung sa may bilog na red. Mas masakit kapag nabend yung thumb ko, tsaka kapag hindi sadyang nasagi o kaya naigalaw. Almost 3 weeks na tong nananakit, akala ko last week mawawala na pero mas masakit ngayon. Pag bagong gising mas ramdam ko rin sakit parang nakastiff lang dapat at kapag igalaw sobrang sakit. Sa ugat ata kasi connected sa thumb ko. Hindi ko alam kung parte pa ba ng pregnancy, 30weeks na ko. Sabi kasi ng partner at kapatid ko baka raw dahil namamanas kamay ko naiipit ang ugat. Any idea po? Pano rin kaya mawawala yung sakit 😭 Thank you in advanced mga mommy!

Wrist pain, dahil ba sa pamamanas?
35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello miii. Possible it's De quervain's Tenosynovitis mii. Nagka ganyan din ako sa first baby ko after ko nagmanas. 😔 You need to buy Thumb Splint para iwas movement sa thumb mii kasi pag di maagapan yan you need pa inject steroids na sabi ng doctor ko. Both hands ko pa talaga nagka ganyan 😭 kaya nag stop ako ng work kasi need ng rest ang kamay ko. You can also seek a Rheumatologist for that mii if di mo na kaya ang pain buti na agapan ko agad kundi possible masisira ang wrist tendons ko and di na makakagalaw normally ang thumbs ko. Try Cold compress and wear Thumb Splint miii.

Đọc thêm
1y trước

Ito din mii ipapagawa din ito ni doc para malaman if Carpal tunnel or De Quervain's yung sakit mo. Yung test na to kaya ko pa naman gawin pero yung Finkelstein test yun ang di ko talaga kaya pati pag close ng fist ko di ko magawa.

Post reply image

ung sakin, sumakit ay mga daliri ko sa kaliwang kamay kapag bagong gising. dahan-dahan na ife-flex. nawawala naman. hindi bumabalik sa buong maghapon. sasakit ulit paggising kinabukasan. nawala naman after manganak. you may read this: https://www.imumz.com/post/relieving-hand-and-finger-joint-pain-in-pregnancy-expert-advice-and-self-care-strategies#:~:text=During%20pregnancy%2C%20your%20body%20produces,including%20your%20hands%20and%20fingers.

Đọc thêm
1y trước

kindly consult OB. pakibasa for your reference: https://www.google.com/amp/s/ph.theasianparent.com/brown-discharge-in-pregnancy/amp

ganyan din po sakin mommy, mga around 6mos po..una right hand ko lang..after 2 weeks po siguro ung left naman..masakit sya sa madaling araw parang rayuma na hindi mo maiclose fist ung makay mo..lagi ko nalang hinihilutan ng mga ointment para may relief. 30weeks preggy na rin po ako now..masakit pa rin. may manas na din kasi ako sa paa noong 6mos kaya possible po manas din yang nasa kamay natin

Đọc thêm

Mom, possible de quervain. Nangyari yan sakin. Nov 2022 nag start, unti unti lang nawala with the help of a thumb spica (thumb-wrist support, nabili ko sa shopee), at stretching. Search nyo lang po sa Google how to treat it. Medyo matagal nga lang ang healing. March 2023 na ng tuluyang nawala yung pain ko. Di rin kasi maiwasan na nafo-force sya kasi may 1 year old ako na malikot. 😅

Đọc thêm

Hi nung buntis po aq 9 months nkramdam aq ng sobrng pnnakit ng kmay s mga dliri dala ng pgbbuntis nung nangank nq nwla ung pnnkit ng mga dliri q mliban nlng s thumb finger s sobrng skit hndi q n maigalw ng trigger finger n sya pinacheckup q dla dw ng pgbbuntis gawa ng hormones kya sinuggest n orthopedic n i surgery pra mwla ung pg la lock ng finger

Đọc thêm

Carpal tunnel syndrome yan mie. usually nagkakaganyan kapag bagong panganak pero pwede rin kahit buntis kapa. nagkaganyan din ako nun 5 days after ko manganak. akala ko nabalian ako ng buto tas pinahilot ko sa mama ko months na hindi parin nawawala. then pag nawala yan may time na bumabalik sya like kapag malamig ang panahon.

Đọc thêm

Carpal tunnel mhie, meron din ako nyan during kabuwanan ko and until now, 3 months na nakalipas, pero hindi na ganon kalala katulad nung first 2 months, ang hirap since lagi karga si baby, sumasakit bigla, nung una nakakatakot at baka bigla kong mabitawan baby ko sa sakit, thank God hindi naman nangyare.

Đọc thêm
Thành viên VIP

normal po, ganyan din ako dati sa 1st baby ko, masakit yang part na yan pero nawala din mga 4-5months after ko manganak. Pansin ko, sa 1st baby ko kasi, namanas talaga ako bago at after manganak then sa 2nd baby ko, di ako nagkaganyan kasi siguro di ako namanas nun.

Same na same momsh.. mga 7 mos na yung baby ko tska ko sya nramdamn.. sobrang sakit nito pagbubuhatin mo bigla si baby o kaya may dadamputin ka minsan, konektado sya sa hinlalaki. pero nitong mga nakaraan kusa na sya nawala.

Influencer của TAP

omg. same po tayo.. 3rd tri nun pregnant ako. tapos after manganak mga 1mon lalo sumakit. until now meron parin mag4mon na si baby.. si pa nmn nawala.. lalo kpg naooverwhelm work.. thanks for Sharing🤗