Feeling stressed and pressure
Hi mga mommies. I'm 8 weeks pregnant, and as of now I'm working. Pero ngayon nafifeel ko ayoko na magwork kasi nastress na ako. Pero naguiguilty rin ako magresign dahil iniisip ko wlaang katulong asawa ko. Don't get me wrong po. But normal ba yung ganitong pakiramdam kapag buntis yung wala ka ng gustong gawin kundi mahiga. Huhu
Ako Mi, nung una ayoko talaga ng walang work if magbubuntis ako. Pero when I finally got pregnant nag iba yung POV ko. Sobrang priority ko si baby. Palaging nakatayo ang work ko as Associate Manager sa healthcare. Mismong OB ko na nagsabi sakin na hindi ko kakayanin mag work while preggy. Naging maselan ang first tri ko. Kahit ang ganda na ng position ko sa work, di ko kaya i-risk ang buhay ni baby. Inenjoy ko na lang yung rest ko sa bahay. Buti wfh si hubby ko kaya palagi kami magkasama. 💗 Nakaraos na ko, going 5months na si baby and I didn’t regret leaving my job, proud full time Mom and wifey 💗 I’m considering to start a business this year, and I have the best support system. 🤍 Hopefully, whatever you decide Mommy, will give you peace and happiness 🤍
Đọc thêmkausapin mo husband mo mii. ako nun diko kinaya shifting sched kahit work from home pa. Naging emotional kase ko nun, konting pressure naiiyak ako tapos ang bilis ko mapagod. Pinatigil nya na lang ako tas nag adjust nalang kami sa budget. Pero based lang sa experience ko mii, kayanin mo yun 1st trimester kase ako nun mga bandang 6 months gusto ko na ulit magtrabaho kase di na ako kasing selan nun mga unang month kaso di na ako makaapply. Sa una talaga sobrang hirap. Pero pakiramdaman mo sarili mo kung anong mas gusto ng katawan mo, para din sa baby mo. Ingat lagi mii.
Đọc thêmganyan dn ako sayo nun pero sakin naman choice nnmin mag liv ako para safe c baby.saka nasa stage aq nun nang pgllhi kaya tamad na tamad ako.pero ang hrap talaga pag isa lang ang nag work. nanjan un ma short at ma short tlaga kayo dahil sa dami bayarin. vits chkup ultrasound.food cravings. bills sa cc.meralco.tubig.grocery.etc.mahirap talaga pag isa lang mag wrk. well sa awa ng dyos nalmpsan naman nmin lahat. at kaka 1yr old lang ng baby nmin
Đọc thêmGanyan din po ako momshie huminto ako sa work 34 weeks na Tian ko same reason po tayu Gustu ko padin makatulung sa partner ko financial. Na stress din ako non KC mabigat na tian ko hirap na gumalaw. Piru na kaya ko nmn basta hindi kalng masilan tiaka ibayong pag iingat narin sa mga galaw mo. Ngayon nakaraos na 6 days na baby ko hindi ako nahirapan Manganak KC tagtag sa trabahu tiaka d sia umabut ng 3 kls. 😊
Đọc thêmako gusto ko pa mag work nun pero wag na daw sabi hubby kc nakita nya na pagod daw ako lagi sa work. Healthcare professional kc ako lagi akong nakatayo. naalala ko pa pinapagalitan nya ako after naming magpa tvs at marinig heartbeat, unahin ko daw si baby kaya ayun naparesign ako ng d oras. after ko magresign inenjoy kong matulog sa hapon para d ako mabored
Đọc thêmYes it normal. Sa atin kasing mga first time moms, gusto natin safety ni Baby. Ayaw mo bang subukang mag leave if need mo? Ang pag iisip kasi ay nakakadagdag ng pressure din sa bata. Relax ka lang mommy. Less stress para sa inyo ni Baby para iwas problema lalo at under development pa siya. Pray ka lang and do not worry. God Bless.
Đọc thêmNormal po yan during first trimester. Ganyan din ako. Pero non 2nd trimester na naging ok na pakiramdam ko at di naman ako high risk kaya iniisip ko mag work pa. Kasi gusto ko makatulong sa husband ko. At mkabili din ako on my own ng gusto ko ibigay kay baby. As of now mag 6 mos. Working pa din ako. Kayang kaya p nman.
Đọc thêmYES! Same thoughts! 8weeks pregnant, tinatamad na mag work lalo na gumising sa umaga ang hirap hirap, aabutin ka s opisina ng morning sickness at moodswings, and yes nakakaguilty kase kailangan ihelp si mister sa bills and ipon para kay baby and i think thats normal think positive lang talaga
. same po nag stop na ako mag work kasi sa cashier po ako sa s&r Food servce galawang mabilisan kasi doon palagi sumsakit singit at balakng ko kasi hndi makaupo kaya pinatigil na ako ni hubby baka kung ano p mangyri kahit gusto ko pa si hubby lang tlga ang nag patigil😅😅
ako di na talaga pinag work ng partner ko ginagawa ko nagtitinda tinda nalang ako ng mga frozen dito sa bahay kasi gusto ko rin na kahit papano yung ibang needs ko e hindi ko na hingin sakanya kasi naawa din ako lagi sya pagod sa work