"Manol"! Masakit sa dibdib..
Mga mommies...gusto ko lang sana hingi ng advice at para gumaan yung nararamdaman ko...nakatira kasi kami ngayon sa lolo at lola ko..yung lolo ko palagi niya ako sinasabihan ng "manol" hilagaynon sya na hindi ko alam ang tagalog.. Manol daw ako sa aking anak...yung "oa" daw ako, dapat hayaan ko lang daw yung bata na umiyak, pra lumakas ang heart, hayaan ko lang yung anak ko mag isa at gumawa daw ako mga trabaho sa labas kagaya ng bungkal sa lupa..to think na 8months palang po baby ko..hindi naman po ako nagpapabaya sa trabaho dito dahil pagkagising ko palang linis na ng bahay, saing at luto ng ulam. Hugas ng pinagkainan nila ako pa, minsan makatulog ako tuwing tanghali sasabihan ako na tamad dahil daw kung tulog ang bata dapat sa labas ako mag ayos. Masakit isipin na sila pa naman sana pamilya ko pero ganun yung trato sa akin. Nastrestress na ako pero wala ako magawa, dahil kakapasok palang ng lip ko sa trabaho need pa namin mag ipon para maka rent man lang kami. Huhuhu... Iniiyak ko nalang palage ang sama ng loob at sakit sa dibdib... Gusto ko lang po mashare para gumaan ang loob ko... Salamat po... ???