Breastfeeding journey
Hi mga mommies, tanong ko lang po kung may ways to increase milk supply, I'm planning to continue our breastfeeding journey po kasi with lo.. Kaso babalik na po ako sa work by Sept 13, hindi pa po ako nakakapagstart magstash ng milk supply. Every time po kasi na magpupump ako 2oz lang nakukuha ko, meron lang one time na nagpump ako naka-5oz pero hindi na po naulit.. Unli latch naman po kami ni baby.. Any tips mga mommies to boost pa po yung milk supply?