Hello mga mommies! Tanong ko lang po kung talagang mapapadalas ang tulog ni baby pag may ubo at sipon kase hindi naman po siya ganun nung wala pa ubo at sipon niya pag umaga halos mag hapon siya gising madalang lang ang tulog pero gabi diretsyo naman nagigising lang pag dumedede pero nung nagka ubo at sipon panay na ang tulog. Normal lang po ba yun? Gustong gusto ko pong ipa check up baby ko para ma lessen yung worry ko pero yung husband ko palaging sinasabi na kawawa lang daw si baby sa turok turok. Pero nag aalala na kase ako may tunog din kase pag natutulog siya hindi ko po alam kung halak o milk lang na hindi bumaba. Madalas ko rin sinasabihan husband ko na wag muna ibaba agad kapag kadedede lang at kaka burp para sure na bumaba yung milk pero ang hirap pakiusapan. Pa help naman po.
Nobi ෆ