Long post, nakakaiyak na lang tlga 😭

Hi mga mommies, sorry po long post po ito, gusto ko lang ilabas ung lungkot na nararamdaman ko at baka sakali pong matulungan niyo ako... Habang nagttype ako umiiyak ako 😭 ewan ko ba gusto ko na sumuko sa pagbbreastfeed kay baby. Di ako pure bf sa kanya kasi nung nanganak ako hindi siya pinaroom in sa akin for 3days ganito kasi dito sa Thailand para makapagphnga ang nanay, kaya paguwi namin meron na agad siyang nipple confusion. Super hirap na hirap ako at dahil sa takot na baka mgutom siya kada namumula na siya kakaiyak dahil pinipilit ko ibf siya nagaalala ako na baka my mangyri sa kanya kung hahayaan ko lang siya magutom kaya pinagfformula ko ng 2oz gang naun 2weeks na siya... Though naun week mas marami ung pump na napapainom ko sa kanya kasi sinusunod ko ung exclusively pumping sched ko pero aaminin ko pagod na pagod na ako maghugas ng bote tas pump ulit tas timpla ng formula kapag naubusan na ako ng supply... araw2 nagpaparactice kami na padedehin siya sa akin, nakukuha niya minsan mglatch sa right ko dhl mas may nipple un pero sa kaliwa tlgang wala... nkakafrustrate mga inay 😞😭 na sa pangalawang pagkakataon pakiramdam ko failure na naman ako... hindi ko na alam gagawin ko pagod na ako sa puyat, plus wla akong katulong lalo kpg ppsok sa work aswa ko... sinubukan kn lht ng breastfeeding position pero wala iiyak at iiyak lang siya gang sa mapaos na siya at mapagod na kaming dlwa ending formula na siya 😫😭😢 nakakalungkot at nkakainggit ung mga nanay na super npapadede agd nila mga babies nila... hai please wag nio akong ibash, sobrang depress na tlga ako ngayon 😭😭😭

1 Các câu trả lời

VIP Member

hugs po mommy, sana meron din dyan mga lactation experts na pwede nyo iconsult at malapitan para maboost at mahelp kayo sa bf journey nyo. hindi din naman po failure kung imix feed si baby. para sa akin, fed is best and okay din ang mix feed kasi parang best of both worlds. ang mahalaga naaalagaan ng mabuti si baby at hindi siya maging sakitin. kaya nyo yan mommy

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan