Hello! Siguro 2 to 3 weeks ago, ganyan din halos naranasan namin ni hubby. Mula 9pm hanggang 12 midnight or 1am, panay iyak nya for 3 days. Halos mabaliw na rin ako kasi di ko alam ang gagawin. To the point na natatakot na ako dumating ung 9pm. Don't worry Mommy kasi usually, normal sya (ganyan din daw nangyari sa mga friends kong may newborn din). Isang reason other than kabag, baka nag uundergo sya ng growth spurt? Naglalast sya ng ilang araw pero di naman aabot ng 1 week. Offeran mo lang sya ng gatas lagi (may period kasi talaga na hindi halos magpabitaw sa dede si baby kahit akala mo dami na nya nakain). Konting tyaga lang talaga Mommy, lilipas din yan. Mahirap talaga Mommy pero promise, di naman yan super magtatagal. Fighting!!
Đọc thêm