Allergic Rhinitis

Mga mommies, sino sainyo meron allergic rhinitis? Ano iniinom nyong gamot? Parang hindi na kasi tumatalab gamot ko sa allergy :( napupuyat ako kakabahing halos gabi gabi na lang umaatake na sya kawawa naman baby ko sa tummy ko napupuyat din. Ano ginagawa nyo mga momsh kapag inaatake kayo allergies nyo? 15weeks preggy here. Thank you. #pleasehelp #firstbaby

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

alnix po ang nireseta saken ng doctor. halos every other day po ako inaatake ng rhinitis. lalo sa gabi hanggang bago sumikat ang araw. ang hirap po kasi mamimili ka kung iinom ka o hindi kasi iniisip mo yung kalagayan ni baby. kapag kasi hindi po nakainom hirap na agad ako makakahinga. pero pag nakainom naman ako nakokonsensya naman kasi baka maka affect kay baby.

Đọc thêm

Levocetericine med ko sabi naman ng ob ko ok lang naman daw kahit preggy. Pero sabi nya hanggat keri Nasal spray nlng every morning kaso hindi na yata tumatalab sakin mga momsh! Hehe July 14 pa next checkup ko kasi sana mabigyan ako mas effective na gamot na pwede sa pregnant. Thank you mga mommies..

Đọc thêm

nag ka allergic rhinitis din ako at sinusitis, binigyan ako ni OB ng anti allergy at nasal spray. pero hndi ko tinake ang gamot, nag nnasal (Saline) spray nlng ako + lagi palit na bedsheets/punda at nag vvacuum. ever since I bought din a dust mite vacuum na lessen na ang trigger ng allergies. :)

Influencer của TAP

gantong ganto ko mommy pero takot uminom ng cetirizine kasi baka may effect kaya tiis tiis lang. ang ginawa ko bumili ako ng air purifier, mula non never na ko inatake ng allergic rhinitis. at more water din po pala kayo

ako meron 9weeks pregnant pero d ako umiinom ng gamot sa allergy tiis tiis lang pag matutulog nala mask kahit sa bahay lng nakamask. kahit sa 2nd born ko d ako pinapainum ng ob.

cetirizine ata yung nireseta sakin ng OB ko noon inumin ko lang daw pag di ako makahinga. pero mas better pa rin na magconsult sa OB po

Thành viên VIP

ask po kayo sa botika may nasal spray sila for allergy na good for preggy

Sinupret binigay ng ob sakin..

CONSULT YOUR OB