Gestational Diabetes

Hi mga mommies, sino po dito ngpositive sa gestational diabetes? Ask ko lng ano po ginawa nyo prior natuklasan may gestational diabetes like eating habit, any symptoms po? Share your experiences po.. Thank you.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ung sakin 94mg/dL ung FBS ko nung 1st tri q. tapos normal results ang ogtt 75mg q. diagnosed with gdm pa rin ako. sakin bawal mangga, chocolates, fruit juices, etc. no fruits sa breakfast. either 2 slices of bread with cheeswhiz or half rice and 3pcs adobo cut na viand lang ppwede. 1 cup rice each for lunch and dinner. nirefer din ako sa endo na pinalitan ang milk ko to glucerna. Almost lahat normal nmn results ng monitoring ko ng sugar unless kumain ako ng prutas like saging and mangga. Ngayong 3rd tri, mahirap imaintain ung sugar q during lunchtime. bawas talaga rice and starchy veggies. And thanks sa mga nagpost na sabi okay ung oatmeal when maintaining blood sugar kasi nakakatulong nga sya... di na lumalampas sa limit and blood sugar ko during lunch. ung snacks ko pala is milk and/or wheat bread na may cheese whiz lang. minsan nagccrave ako ng fruits pero during snacks q sya kinakain.

Đọc thêm
5y trước

Sorry.. sabi pala ni endo not OB 😅

Hello po. Sakin nag brown rice ako hnd siya masarap pero masasanay karin mas mababa kasi ang glycemeric index. Iwas sa mga matatamis. More fruits and vegetables tapos nagmomonitor po ako ng sugar 3x a day. nung una 4x a day pero since nakita nk OB na nacocontrol ko ginawang 3 nalang. dapat daw pag gising wala pang kain 95 pababa ang reading. pag after breakfast/lunch/ dinner naman 120 pababa. Pag tagal makikita/malalaman mo mga nakakataas ng sugar mo Sis. nung una halos ayoko kumain kasi natatakot ako kasi pag hnd na control mag insulin daw ako. Sa una mahirap pero pag nakasanayan mo na okay narin. Dapat bawas carbs ka din like, pizza, pasta and white rice pati pala white bread. kinakain ko red rice wala pa sa isang cup. tinapay naman kapag walang wheat bread isang piraso ng tasty with peanut butter.

Đọc thêm
6y trước

Thanks for sharing mommy 😊

pinacheck lang ako sis nun kasi father ko diabetic so higher risk ako na magkagestational diabetes. borderline ako sis kaya on the precautionary side si OB. pinamonitor ang sugar ko, 4x a day ako nagtutusok (1hr before breakfast, 2hrs after breakfast, 2 hrs after lunch and 2hrs after dinner) to check yung blood sugar ko. fluctuating ang results kahit same lang kinakain ko to think na di ako nag ssweets, less rice din, wheat bread and oats din kinakain ko. inendorse din ako sa endocrinologist, tuloy lang monitoring ng sugar pero insead na 3hrs after, 1hr after meals na. sabi if mataas pa din, bibigyan nya nako ng insulin. pero di nako umabot sa point na yun kasi nanganak nako. hehe. on standbydin cya during cs ko. thankfully pagkapanganak ko, back to normal 😊

Đọc thêm
5y trước

<95 mg dl before breakfast < 140 one hour after meal and < 120 two hours after meal.

Im 37 weeks and 4 days with GDM. Nagiinsulin ako every meal and every night with sugar monitoring din. Diet ang pinaka importante sa may GDM, kailangan mamaintain yung mababang blood sugar kasi. My diet is mostly protein, iwas sa carbs and sweets. As much as possible gulay and meat ang food ko, walang white bread, konting rice lang, no soda, juice, or anything sweet. Dun sa group na sinalihan ko for Moms with GDM inaadvise nila na magokra water. Haven't tried it since maintained namn sugar level ko but sabi nila it's effective.

Đọc thêm
5y trước

Hi I have GD din,sis what yungnsinani mo on okrawater

Normal lahat yung laboratory test ko nung 1st trimester, then nung pinakuha ako ng OB ko ng OGTT na diagnosed ako ng GDM dahil medyo mataas yung result ko sa last hour. Dahil wala n akong pera mag pa check up sa endocrinologists ako n lng nag diet. FTM ako at sa lying in nanganak. Advise ko sayo mommy before ka kumuha ng OGTT mag diet kana 1 week after nang test, less carbs and no sweet for 1 week..

Đọc thêm
5y trước

effective ba yung pag diet mo momsh? ako kasi mataas din sugar ko😢.. worst pa is 35 weeks na ko preggy tska ko Lng nalaman

Di ako mahilig sa sweets pero malakas ako sa kanin kahit napaka petite ko. After ng blood sugar test ko, sinabihan ako ng doctor na less rice and bread tapos more water na. Medyo mahirap sundin lalo na kung kanin is life. Pero tiis lang din..pinapaulit ako ng test pero d na ako makabalik sa clinic due to lockdown. 38 weeks na ako ngayon. Sana nga bumaba na sugar level ko.

Đọc thêm

Mahilig ako sa pasta.. any pasta spag lasagna at macaroni salad tapos napansin ko after ko kumain ng meal pag napadami nakain ko.. nahihilo ako. Kakaiba yung hilo. Parang lasing ang feeling. Yung fbs ko lampas lang ng 5points sa normal values.. kinonsult ko kay OB pinag take ako ng ogct, ayun dun na confirm may diabetes nako.. mataas kasi yung result.

Đọc thêm

Nagkakain ako ng cake, sweets at super lakas ko sa kanin, pasta, tinapay at gatas.. palagi akong nangangati nun yun pla sign yun saka laging inaantok at uhaw na uhaw.. hayun gdm.. pero nadaan sa diet.. nagpunta ako sa dietrician para mabigyan ng tamang diet sa age , height at weight ko..

hi ask ko lang kelan k ngpacheck nun para sa g.diabetes? wat part ng pregnancy mo?

6y trước

Ou nga po mommy.. Malgpasan natin ung stage n to, mahirp mgpigil ng kain pero para kay baby gagawin ntin 😊

Thành viên VIP

No symptoms lang pero mahilig sa sweets and may lahi ng diabetic sa family