KABAG NG 10MONTHS OLD BABY. NORMAL BA?

Hello mga mommies. Sino nakaexperience ng ganito ang baby nila. 10months na baby ko, turning 11months this coming 13th of July. Hmm. Kabagin talaga sya, pero nawawala naman. Dahil nadin sguro bottle feeding sya. Ngayon kasi lumalaki na syempre napansin ko yung kabag nya is ang tagal bago mawala. Nawawala nalang pag napoop na sya. Nakakatulog sya ng kabag at bloated ang tyan. Iiyak nalang bigla at nagigising 2days na syang ganito. Ask ko lang din, nagcacause din ba mga kinakain ni baby kaya sya nagkakabag? Ngayon kasi, ginagawa ko naman lahat ng paraan para mawala kabag nya. Mga napapanuod youtube wala pdn. Nagbburp naman sya. Ngayon kasi pansin ko pag hapon hanggang gabi di na sya umuutot hanggang madaling araw binabantayan ko padin, inoobserbahan ko muna lahat before ko dalhin sa pedia nya. Thank you mga mommies.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Resttime mamy yung gamot

5y trước

Meron sya nyang gamot nayan momshh. Hindi pa nya nasusubukan uminom, binili ni hubby nung wala pa syang 1month na grabe ang kabag ni baby. Natakot naman akong painumin kasi di naman kami nagconsult sa pedia nya nagsearch lang ako sa internet kung ano ngang gamot sa kabag. Never ko pa sya napapainom nyan, nung sinabi namin sa pedia nya wag daw painumin di nya daw inaadvised yung ganung gamot. Ngayon kasi naawa nako pag gabi tulog na sya iiyak nalang bigla at nahihirapan sa kabag. Parang gusto ko na sya painumin. Nalilito lang ako sa dosage for 10months kasi iba iba yung nababasa ko. Pano kaya po?