cs june 2 childbirth
hello mga mommies sino dito na cs din pang 11 days ko na ngaun. inadvise nadin ako ng ob ko na pwede na basain kasi tuyo na agad pero di ko parin binabasa natatakot kasi ko hahaha siguro after 2-3weeks. at sa binder need atleast 2 months daw suotin pero naiinitan ako hays. ask lang po kung ilan weeks kayo nagsusuot parin ng binder? at ung parang itim na line mag pag asa pa kayang mag lighten? dating flat na tyan ngayon sagwa na tignan haha prro tanggap nadin
Mommy, please follow the advise of your OB. It is truly best if na wawash daily ang sugat mo. It is not enough na disinfect lang po ng disinfect. Washing with water and soap is still better at deterring unwanted bacteria. It will also help with the heat you are experiencing. Yung binder need din po pagtiisan to cinch you better. It’s not to make you skinnier/thinner but to help in holding you together better. I cannot stress it enough that all CS mothers should be taking regular showers and cleaning their incision sites properly during their showers and properly drying after. This way we can all avoid infections. Getting an infection on our incision sites are a lot worse and need deeper cleaning and re-suturing of our incision site. I am an OB Nurse po, and I hope you heed my advise po. Best of luck to your healing journey po🙏🏼🤍
Đọc thêm10 months pa lang tahi ko, wala pang 1 month tahi ko nun sinabi na sakin na pwede ko na raw basain pero sinakto ko ng 1 month para sure. Hindi din po in-advice sakin ang binder dahil hindi raw agad matutuyo ang sugat pag laging naka suot nun, 'pag lang raw aalis ako pwede magsuot nun para pang alalay. Yung itim naman sa tahi niyo sinulid po siguro yan kusang natutunaw kung hindi po mawala at dumi talaga siya ang ginagawa ko po sakin nun binababaran ko po ng oil tas bagyang pinupunasan nang bulak. Sa ngayon po ma-pink na kulay nang tahi ko.
Đọc thêmGoing 5 months but I still wear my binder to keep the shape of my tummy, para makarecover agad from loose skin sa belly. For me if 11 days ka pa lang PP, continue wearing it lalo na kung nagbubuhat ka, kasi it supports your abdomen from pressure. Yung sugat sa loob kasi is fresh pa even if sa labas seems tuyo na. Yung tahi naman, good as long as wala ka nakita na bumuka, nag-nana, etc.
Đọc thêm2months din po ako nagbinder kase may nararamdaman po ako sa loob na masakit eh baka pag di ako nagbinder nun baka bumuka yung tahi. tiis lang po sa init para di po bumuka yung tahi mo po mamie. bukod po sa betadine may ginamit din po ako na spray para matuyo po yung tahi. yung about naman sa itim na line, wala na po ako ginawa kase di ko naman ididisplay yung puson ko haha 😅. get well soon po mamie 😌
Đọc thêmako more than 5 months ko ginamit binder for support since sa operations ako nagwo-work and it requires a lot of movement. also,sinunod ko yung payo ni dra. pagdating sa linis ng sugat,when sya dapat basain kasi need din ng sugat huminga and masabunan for proper cleaning...though natakot din ako ng bongga😅 yeah, magla-lighten naman sya mamsh, pero unahan mo na ng mga cream yung akin kasi keloidal ee.
Đọc thêmmas maganda na tagalan mo ang pag gamit ng binder para di mag laylay yung tummy mo. mas natagal mas better. if takot ka pa na basain ang tahi mo pwede nmn pero same pa din linisan mo sya lagi and tsaka kana mag lagay ng something pag pa wala ng itim pag magaling na pero sakin kasi anjan pa din sya nag lighten lang.
Đọc thêmAko dko pa kayang tanggalin binder ko. Feeling ko luluwa lahat ng laman loob ko hahahaha and may mga kirot kirot pa din sa kaloob looban kaya mas comfortable akong may binder. And bilis makaliit ng tyan ang binder. Continue mo lang pag suot. Lagyan mo ng lampin o tela sa loob para di ganon kainit pag nagbinder ka.
Đọc thêm1month lang ako nagbinder. nagsugat kase yung tahi ko 😭 ngayon oks na at gusto ko na ulit magbinder kaso natatakot ako na baka magsugat ulit. btw bili ka po nung tegaderm. waterproof sya na parang band aid if ayaw mo mabasa tahi mo. suggestion din yun ng mommy dito sa TAP.
Until mag 5 mos si baby naka binder ako sis. Mas madaling kumilos kasi at mas mabilis din bumalik ang shape ng tyan sabi nila. Pero parang sabi ng OB ko nuon kahit nga 3 mos lang okay na or until mafeel mo na kaya mo na talagang gumalaw ng hindi naaalangan. 😊
Mag la'lighten pa yan momshie and mukhang mganda rin pagkatahi ng cut mo maliit lang sya unlike tlga dun sa iba, aq rin nung na cs kahit cnav na ng doctor ko na pede na basain, d q parin binabasa, wla feel ko lang na wag muna basain😁 nakaktakot prin kc