Second Pregnancy
Hi mga mommies, this is my second pregnancy this year. I recently had a miscarriage. Last March nalaman namin na pregnant ako. And dahil sa pandemic nahirapan kaming makapag paultrasound and check ups. Mahigpit ang mga clinic that time na ang pwede lang iultrasound ay emergency cases. Nung 10th week ko, nag ka spotting ako ng ilang araw. Nakapag paultrasound ako and we found out na wala ng heartbeat ang baby ko and ang laki lang nya ay pang 6weeks at hindi na nagtuloy magdevelop. I had a miscarriage on my 10th week pa. Sobrang devastated kami ng buong family dahil dun. Ngayon, I am on my 5th week and worried ako na baka may mangyari na namang hindi maganda. Ano po bang dapat kong gawin to avoid ang miscarriage? Sobrang nakakawasak po talaga sa feeling. 😔 Okay lang po ba ang TRANSV ULTRASOUND during early pregnancy? Hindi po ba makakaharm sa baby? TIA sa mga mag aadvise.
Mama of 2 rambunctious superhero