Watery discharge o panubigan

Mga mommies sana masagot etong concern ko, 39 weeks and 5 days na ako now napapadalas na din yung braxton hicks ang worry ko lang is di ko mawari kung watery discharge lang ba tong lumalabas sakin or panubigan na, hindi naman sobra yung tulo pero nararamdman kong may kusang tumutupo at sobrnag basa ng panty ko tumatagos sa short. Ang sabi 1cm palang daw ako sana may makasagot or atleast makapagshare ng same experience. #39_weeks #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

sakin kasi nung manganganak na ako sa panganay ko may lumas din sakin mucus plug clear sya ang madulas pero may pananakjt ng balakang pero nawawala 8 am ko sya naramdaman tumutulo tagos na sa short ko then naglakad lakad ako malayo layo din kasi pumunta ako supermarket para mamili ng mga gamit na kailangan ni baby kasi sabi ng nanay ko manganganak na daw ako nyan kahit d pa daw panubigan 9 am sakto sumakit na ung balakang ko and pumunta na kami ng hospital 3 na hospital tinanggihan kami kaya sa bahay nlang ako nanganak 7:17 pm sept 1 2020 nailabas ko ung panganay ko via normal delivery home birth puro lang ako tulog kain noon d ako nagpapakapagod siguro pag gusto na ng baby lumabas lalabas talaga sya kaya good luvk po

Đọc thêm

If clear yung kulay at walang amoy (hindi mapanghi) it means panubigan na po.. better po magsuot kayo ng napkin or panty liner tapos after examine nyo po .. ganyan po kase nangyari sakin .. nagleleak na pala water ko 11am (kagigising) tapos 1am nanganak nako.. kamuntikan ako maCS buti na e normal.. hinabol kase yung bag of water baka maubos e deligades yun.

Đọc thêm

hello mommy. how are u ? nanganak kna ba? the same case po tau. 3cm na Ako pero no pain, no labor. sana din mkaraos na tau.🙏

3y trước

hello mommy! kamusta ka na? nakaraos na ako kahapon 5:31 pm. Sana ikaw din sending prayers to you and your family.

Thành viên VIP

pag sobrang saket at di nawawala labor na yun. baka panubigan na yan mi punta na kayo paanakan para macheck si baby

3y trước

hindi pa naman po mommy, mild contractions pero consistent na siya, bukas pa po balik ko sa doon😕 thank you po sa pagsagot

ganyan din ako last 5 months ago, nag dry labor ako kase yung akala ko na watery discharge, panubigan na pala

3y trước

ang sabi po ng midwife baka daw wiwi ko lang dahil natutulak lang ni baby yung bladder ko pero diba po pag wiwi ramdam naman?😕 and also sabi niya if panubigan naman daw yon sana nung inIE niya ako may tumagas sa palad niya pero wala naman daw po huhu nagwoworry na ako.

better consult your ob baka kasi mamaya ma dry labor ka mas mahirap po

3y trước

opo mommy, bukas babalik ako sa clinic, sana nga makaraos na nagwoworry na ako. thank you po sa pagsagot 🫶🏻