Delivery Packages/Cost

Hi mga mommies. Pwede po ba pashare kung magkano expenses/bill nyo sa panganganak? Lalo na po yung mga recent lang and saang hospital po? Thank you in advance.

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sa amin nang anak ko ako nasa 5k aki at anak ko mga 7k plus wala pang hindi pa nagamit ang phealth ko dahil ang tass nang pila kaya namn bayaran ang bill namin hindi naman gaano ka mahal binayaran na lang namin normal delivery po ako 2second baby ko na ito sa public hospital lang kami

Package po kami normal delivery. Ako lang yung binayaraan kasi yung baby ko nadala sa philhealth ng husband siguro 8k nalang yung saknya. Iba iba din yung binayaran sa room at doctors. Sa ob doctor ko non 35k sa anesthesia doctor non 25k then may minus pa.

Influencer của TAP

follow your ob kung anong recommendation. useless na nagpapa check up tyo pero doubtful at di nasunod. stick to 1 ob din para ma follow nia ang history ng pregnancy mo

2y trước

stick to one OB? Paano kung ung OB mo di masyadong approachable? Lumipat ako ng OB kasi every check up ko, inhale-exhale lng gnagawa sakin tapos ichecheck lng ung mga resulta ng labtest ko na paulit ulit lng pnapagawa sakin khit normal nman resulta ko. mas ok pa ung assistant nya chinecheck lagi HB ng baby ko e

Semi private maternity clinic ako nanganak mamsh, 4300 siningil sakin with philhealth po iyon. Pag daw wala philhealth aabot ng 8-10k ang babayaran.

Private Hospital, 32k bill ko, via ECS. package na sya and less na dyan philhealth. Iba nga lang yumg bill ni baby kasi naiwan sya sa ospital for 8 days.

2y trước

sang hospital mi?

Private Hosp 125k Scheduled CS minus pa Philhealth haha limot ko magkano naless philhealth😅

2y trước

Batangas mi

46k package pero nging 38k nlng minus n ung philhealth, private hospital Lipa batangas, normal delivery😊

2y trước

Saang hospital ka po mi? Taga lipa, batangas din po ako. 😊 Iniisip ko din magkano kaya range ngayon. Thank you

private hospital po ako. 55k. via NSD. Less na philhealth ko at kay baby.

Thành viên VIP

pag public hospital matik zero billing ka jan. 43k bill ko nun.

2y trước

kahit wala ka po philhealth o sss?

30k in total, private hospital,normal delivery