1week palang si baby.
Mga mommies pinahihiga ko si baby medyo mataas na unan kasi nag lulungad sya sa maliit na unan kapag di naka burp at nakakatog na panay iyak s'ya kapag pina burp ko ang hiral tlga nattakot ako minsan kapag sumuka sya kaya panay bantay ako wala kasi akong kasama na medyo matanda na may alam FTm po ako! Na stressed na ako at natatakot minsan
Hello po. Tanong ko lang kung Breastfed or formula? Advices... 1. Wag niyo po pahigain si baby na may unan, delikado po yun para sa baby lalo na sa newborn baga hindi makahinga. Marami pong namamatay sa SIDS (Sudden Infant Death Syndrome). 2. Normal lang po mag lungad ang baby, hanggang 3or4 months, nag lulungad pa baby ko. Wag po kayo matakot. As long as hindi siya na-o-overfeed okay ang lahat. 3. Kung breast feeding okay naman kahit hindi na ipa-burp, pero ako kasi gusto ko pinapaburp. Sumandal ka sa patong-patong na unan, tapos yung tyan ng baby mo dapat nakapatong dede mo, para magkaroon ng pressure at maka burp siya. Tapik tapik lang sa likod. 4. Sa GABI. Pagkatapos mo magpadede sakaniya at magpaburp wag mo siya pahigain kaaagad, kargahin mo muna for 15-30 mins, ng medyo naka upright position or basta mataas yung upper body niya medyo mataas. Para bumaba yung nainim niyang gatas. Kasi kapah inihiga agad after dede at burp, baka mag back flow yung gatas at malakas ang halak. 5. Kung mag palahiga ka sa anak mo, dapat flat at firm yung higaan hindi sobrang lambot at lubog, kasi hindi pa expert huminga ang newborn. Tapos yung ulo, facing left or right (basta make sure na salitan para hindi ma flat head) at walang unan. 6. Sa damit, Long sleeve at pahama. Mittens at booties (hindi sobrang sikip na pagtali) lang sa gabi kung malamig. Wag mag kumot or palibutan ng maraming unan or kumot, baka mapunta sa mukha niya hindi siya makahinga. Pwede ka rin mag swaddle pero dapat hindi loose at hindi rin sobrang sikip. Tsaka wag i-over dress baka mag over heat si baby.
Đọc thêm