Mga mommies pahelp naman. Di ko na alam kanino maglalabas ng sama ng loob. Wala po partner ko nasa ibang bansa dun nag wwork. Kasama ko lang sa bahay is family ko. Ang hirap nung ako lang lumalaban na i pure bf sya. :( Gusto nilang i formula anak ko. Ilang beses ko na sinabe na ayaw ko. Pero ang payat kasi ni baby. 2 months na sya pero hndi pa rin sya tumataba. 2.5 kgs sya tas last check up July 14 3.5 kgs. Hndi ko na alam ggwin ko. Ayaw ko sya mag formula pero ung weight nya naman. Haaay. Ang hirap mag decide. lalo pa walang suporta akong natatanggap. Ung isang suporta ko malayo pa :( isa pa iniisip nila na mahina supply ko kasi every time na mag pump ako maximum na ung 3 oz na pump ko. E pag nag dede sa bote si baby madalas nakaka 4 oz sya. Tas ung tulog nya laging mababaw. Ang iniisip nila mahina supply ko and hndi nabubusog si baby. Help mga mommies. Medyo nahihirapan na kasi ako :(
Alexia01