Overthink...

Hi mga mommies. Normal naman siguro na diko pa maramdaman si baby ngayon? Gusto ko na magpa check up para makita ko kung anong kalagayan ng baby ko sa tummy ko. May history kase ako ng miscarriage netong last November lang. Btw, 15weeks na sya ngayon and hopefully buhay si baby at healthy. #1stimemom #advicepls #pregnancy

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same tayo mii. Namiscarrige din ako last Nov. 16 weeks preggy here. Kelan po ba last check up mo? No need to worry po kung sa last check up is okay si baby. Di pa po talaga sya ramdam ngayon. Tsaka depende din sa placenta if anterior, mas di pa talaga ramdam. No to negative thoughts. Kausapin mo lang si baby. Last check up ko 13weeks, low risk pregnancy kaya pinababalik ako ng OB ko sa 20weeks na, but then same sayo naiisip ko din yan kasi nga tagal ko pa babalik sa OB. Minsan sumasagi sa isip ko kung ano na kaya status ni baby sa loob pero syempre di ko hinahayaan na mangibabaw ang worries. Nagdadasal lang ako. Kinakausap ko si baby. Lagi ko lang sinasabi na excited na ako makita sya on the next check up. Always positive. But then of course, if you have the budget and talagang di na keri ang pag aalala and may nararamdaman din na kakaiba, pwede naman magpacheck up or ultrasound po kayo to check if baby is doing good. :)

Đọc thêm

yes, normal na dmo pa mafeel si baby. usually naffeel ang movement nila around 18wks and above, depende pa sa placenta mo. i also miscarried 5yrs ago, no hb si baby at 6wks. nung nabuntis ako ulit ngayon, nag invest talaga kami ni hubby sa fetal doppler kase sobra akong naparanoid at inanxiety na baka maulit uli yung nangyare before. Now, I'm on my 30wks na and healthy naman si baby so far. wag ka po pakastress, as long as wala kang nraramdamang kakaiba, or sakit at bleeding.. safe yan si baby

Đọc thêm

15 weeks is too early to feel the baby's movement mi. Pero if ikapapanatag ng loob mo, then sched a check up with your OB. I can relate to you kasi last time I experienced stillbirth naman at 26 weeks. So you can imagine my anxiety and worry that it might happen again now that I'm pregnant for the 2nd time. Mabuti nalang my OB would constant remind me not to worry and to always pray. It helps me. Invite positive thoughts Lang momsh. Everything will be fine. Enjoy every day of your pregnancy.

Đọc thêm

When was ur last ultrasound? Since may history ka ng miscarriage sis need mo mag bed rest and avoid stress. Normal pa di mramdamn si baby since 15 weeks palang. Just taje ur prenatal vits, eat healthy and rest, un ang magagawa mo ngayon whike waiting for your next checkup sa OB. Kung nagwoworry ka tlga, pde ka naman nagpa ultrasound ulit just so makampante ka.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mommy, better if magpa check ka and let your ob know kung ano ung mga worries mo para mapanatag ang loob mo. The best thing to do everytime nag ooverthink ka is to pray, always remember, wala po maitutulong ang pag ooverthink, it will just give you anxiety in the later stage. Pray lang po ng pray, everything will be fine. God bless 😊

Đọc thêm

16 weeks ko na feel si baby. I had 2 miscarriages din 8 years ago so nung napreggy ako ulit ngayon at mahina kapit ni baby, pinag maintenance ako pampakapit ng OB ko para sure. I think normal lang lagi nagooverthink, until now nagooverthink parin ako. Pwede ka rin bumili ng fetal doppler para makahelp sa pag monitor, and laging magiingat.

Đọc thêm

15 weeks pa lang din ako. di ko rin sya mafeel pa. very light movement pa lang daw kasi. yung doppler ko . it works well. napapanatag ako pag naririnig ko yung heartbeat nya. .try mo din bumili ☺️ meron naman sa shopee and lazada.

too early pa para maramdaman mo movements ni baby mi dasal lang and eat healthy foods kung pwede eh bedrest kalang kase nagmicarriage kana pala, paalaga ka nalang din sa ob hehe

Saken 5 months ko sya naramdaman po mas okay ipa check mo if okay HB ni bby

ndi kapa po ba nakakapag pacheck up simula nalaman mong buntis ka