Unat / Grunting
Hello mga mommies. Normal lang po ba sa 1 month and 19 days yung unat ng unat tapos may grunting pa po na parang nahihirapan sa pag utot? Thanks po ✨
i think may kabag si baby mo lagyan mo nalang po lagi ng mansanilla tapos painit mopo palad mo habang nilalagay sa tummy nila. sa dalawa kong pamangkin na inalagaan ko sanggol pa sila ganyan ginagawa ko kapag may kabag sila.
Sabi ng nanay ko pag nag uunat daw si baby, nagpapalaki daw sya..normal naman ata yan.. in case naman sa pag-utot, if nakaka-poop naman sya ng maayos, i think it’s normal lang din :)
Yup sis,if need mo.. my baby exercise or way para tulungan siya mka utot. Yung parang nag ba bike yung legs niya then alternate up ang down.. Pwede mo po check sa youtube.
Thank you po sa tips sis. ❤️
Ganyan din po ung baby ko. Laging umiinat na may halong pag grunt pa na iiyak tapos magugulat nalang ako sa lakas ng utot nea. hahaha.
Nako mi. same na same ganyan baby ko. haha hay kala ko nmn akin lng 🤣😅
Yes. Check for colic mommy or baka gassy ang tiyan kaya need niya ilabas. You need to help your baby in that case.
Utot lng po sya ng utot mi if mag uunat with grunt sya. di naman sya fussy mi or umiiyak. yun lang talaga paguunat nya na may tunog parang naiistorbo sa pagtulog.
Normal po mi. Ganyan baby ko nung 1 month pa lang sya. Ngayon po 4 mos na sya di na po nag iinat.
Oo mi may sound din kahit tulog nga minsan tapos uminat may sound pa din hehe. Madalas sya ganun dati mi nung 1 month pa lang sya ngayon po di na sya naganun
for me mamsh normal kasi baby ko pag uunat nun ang ingay pra ba natatae haha
ganyan na ganyan si lo mamsh. pero hndi naman sya umiiyak unat lang na may sound. hehe
ganyan dn lo ko mi. 14 days palang siya
opo mi hahaha. tinanong ko din sa pedia niya normal daw
Newbie mom in my 30’s | Stay-at-home mom | Mixed feeding mom