:(
Mga mommies, noong nambabae po ba asawa nyo (if ever naman po na naranasan nyo po) paano nyo po na-handle hanggang sa napatawad nyo sya? Ako kasi di ko kaya. Araw araw naaalala ko panloloko na ginawa nya. Pati kabit sinabihan ako na sana malaglagan daw ako. Naiinis ako kasi pati anak ko dinadamay nya. Sobrang stress ko na pinanghihinaan pa ako ng loob. Di ko na alam gagawin ko.
Umamin ba siya sa ginawa niya? Humingi ba siya ng tawad? Nagexplain ba siya? Kung ginawa niya lahat ng yan, give him a chance. Yes, di madaling kalimutan. Pero iopen mo yung puso mo sa pagpapatawad, paunti unti kailangan mong matutunang tanggapin na nagkamali yung asawa mo. Matutong magpatawad kahit na gano kahirap at kasakit ng sitwasyon. Kung makikitaan mo naman ng pagbabago yung asawa mo, hindi ka mahihirapang patawarin siya. Magkaroon kayo ng usap or kasunduan para di na maulit uli yun. Healing is a long process. Pero ikaw din po tulungan mo sarili mong makalimot, tanggapin yung nangyari at magpatawad. At sempre, wag mong kakalimutang magdasal. Sobrang laking tulong, lahat ng sakit kay Lord mo isumbong at sabihin, sobrang nakakagaan po ng loob. Pray for healing and guidance po na maliwanagan kayo at matanggap niyo lahat. Pag nalampasan niyo yan magasawa, mas magiging matatag kayong dalawa. Been ther, done that. 😊
Đọc thêmMomshie nageeffort po ba siya na maibalik yung trust niyo sakanya? Nililigawan ka po ba ulit niya? Mahirap po talaga magpatawad kapag po ganyan. If first time niya po yan ginawa i think he deserves a second chance pero if hindi nyo po talaga siya kayang mapatawad it's better to let go of the relationship na lang po kasi mas lalo lang po kayong masstress and magsusuffer lang po kayo. Kapal ng mukha ng kabit na yan, dapat sa mga ganyan ineexpose sa buong mundo para matuto naman mahiya kahit konti. Don't mind that trash momshie baka bumalik sakanya yung mga sinabi niya. You have to trust your instinct momsh, kung san ka mas sasaya and mas mafefeel mo na secure ka. Try not to stress yourself too much para na din kay baby.
Đọc thêmPara saken though hindi kopo pinapanalangin na magkatotoo or oo naranasan kona? Pero for me mas pipiliin kong magstay siya sakin kung alam kong mahal niya pa ako. At siympre as his wife mag memake up din ako saknya which is to prove na kahit ganon ginawa niya ginagampanan ko ang pagiging asawa niya at ng makita niya yung ginawa niya. Marealize niya sa sarili niya na wala na mas hihigit pa saakin.
Đọc thêmAre you still pregnant? Kung oo, wag mo munang isipin yung asawa at kabit nya. Kung humingi ng tawad okay stay muna sya. Pero wag na wag mong iisipin yung ginawa nya habang buntis ka. Kawawa baby mo. After mong manganak don mo kausapin kung may pagkukulang kapa pag nakita na nya yung baby. Then tanong mo kung masaya pa sya sayo.
Đọc thêmPray lang po. Kadalasan po kasi lalaki pagoregnant babae naghahanap ng mas madmaing attention. Kami po napagdaanan namin yan nahuli k po ilang beses pero sa ugali po ng kabit ng partner nyo pagdasal nyo nalang po. Ksi wala namab kasalanan ung bby
Sabihin mo sa bf mo. Umarte cya ng naayon sa itsura, hindi cya kagwapuhan kaya huwag cyang umarte arte na napapangitan cya sayo. Ang babaw ng dahilan nya kubg mambabae cya dahil lang sa itsura mo. Magpaganda ka, ayusin mo sarili mo it doesnt mean na buntisbka papabayaan mo na din sarili mo. Ipamuka mo sknya na kaya mong magpagandabkung gusto mo
Wife | Mom