Evening Primrose starting 37th week

Hi mga mommies! Niresetahan din ba kayo ng OB niyo ng pang pa ripen ng cervix? Pinapainom na ako ni doki ng Evening Primrose pagtuntong ko ng 37 weeks. 38th week ko na ngayon. Actually, sa follow up check up niya pa sana ako reresetahan kaso nakita niya sa ultrasound ko na mature na si baby. Medyo natatakot lang ako kasi baka bigla na lang ako magle-labor kasi ang active ko pa naman. But at the same time, nagwoworry din ako kasi di pa bumababa yung tiyan ko. Ewan ko ba ang gulo 😂 Nabasa ko kasi na may delay sa development ng bata kapag mas maaga siyang ipanganak kahit mature na siya. Pero nagwo-walking and light exercise talaga ako every morning. Tapos lagi pa akong galaw ng galaw everyday, walang nap sa hapon na nagaganap talaga kasi umaga ako inaantok, nilalabanan ko lang kasi sabi ng mga matatanda di pwede matulog pagkatapos mag-walking2. Anyways, ganito talaga siguro kapag kabuwanan na. Natatakot ka mapaaga yung panganganak mo pero natatakot ka din na baka di mag-soften yung cervix mo in time. Kayo ba mommies? Effective ba si Evening Primrose sainyo? Nakapag-induce ba ito ng labor earlier o tama lang?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Took mine at 37 weeks- Evening primrose and buscopan. Pero ending ko ay CS. Hindi talaga sya bumuka momsh 😅

2y trước

Talaga ba momsh? Once a day lang din ba nirecommend sayo?