Pregnancy Insomia

Mga mommies, need talaga ng advice. Simula dalaga ako night owl na talaga ako, gising sa gabe tulog sa umaga. Pero nung nagbuntis ako sa first baby ko may minsang di talaga ako natutulog hanggang umaga may times dn na tulog na tulog naman ako. Pero now po sa second baby ko 1 week straight po na wala akong tulog. Makatulog man 2-3 hours lang. Pinipilit kong mapagod para makatulog ako ng mahimbing, naglalaba ako dis oras ng gabe, naglilinis ng bahay nagtitiklop. Pero walang talab. Napapagod ako pero Hindi talaga ako makatulog. Minsan pipikit ako ng matagal nagbabaka sakali, pero wala pa dn. Nagaaway na kameng magasawa kase nagaalala na sya saken. Baka dw makunan ako or makaapekto kay baby. Minsan nagsisigawan na kame kase hndi nya magets yung nararamdaman ko. 18 weeks pregnant po ako mga mommies, nasstress na ko kakaisip anong pedeng gawen. Gusto ko lang naman ng mahimbing na tulog. Any advice po? 😭

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

my Ob prescribed melatonin 3mg lng.. really helps me on nights that gising n gising diwa ko kht nka pikit .. ask ur ob about it ..