Bloody mucus/brown discharge

Hello mga mommies! Magtatanong lang, EDD ko based sa ultrasound ay september 12, ngayon ang nangyare kanina simula 12mn (Sep 8) ay naging pinkish or light brown yung discharge ko, tas pag check ko ulit ng mga 7am after ko mag wiwi ay may lumabas na parang sipon at dugo talaga na kulay pula medyo marami rami, pero wala paring sign of labor or pain. Till now (Sep 8, 2:52pm) wala paring pain pero may kokonte paring lumalabas na parang sipon at regla. Ano dapat kong gawin mga mommies ksi sa public hospital ko lang balak manganak, at alam ko walang checkup ng hapon or gabi kasi madalas madaling araw nakapila na. Sa experience nyo ba mga mommy nasa labor na ba ako ngayon? Kelangan ko na ba mag lakad lakad? Anong dapat kainin ko para mas mapabilis at makaraos na. Pwede rin naman maligo diba kahit nag lalabor na? Anong suggestion nyo sakin na nauna ang dugo. This is my second baby na, kaso iba kasi to dahil dugo ang nauna, unlike sa panganay ko na pumutok panubigan ang nauna. Please mga mommy i need your suggestions, or let me hear your kwento🙂 Thank you in advance. #SIGNOFLABOURNAPOBATO

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời