Thumb suck
Hi mga mommies mag 3 months na po baby ko Kaso nag ta thumb suck sya Kaya nilalagyan ko ng gloves ang kamay nya para Hindi sya masanay,....may nka experience na po ba dto ng ganyan? Okay lang po ba na pabayaan na mag thumb suck? Hindi po sya gutom,.. Anu po ginawa nyo? Ty po sa ssagot
stress releiver po nya ayan. base on research po. nag ta thumb susucking po sla kay may na fefeel daw sla na stress. kaya yun po yung ginagawa nla to release stress po. kasi sa ganyan na month daw po malakas yung growth hormones nla kaya madali silang nka kakafeel lng stress kaya yan yung way in order na ma divert yung attention nla pag stress. way po yan pra pakalmahin nla yung sarili nla .
Đọc thêmTanggalan niyo po ng gloves My, para makaexperience siya ng bagong sensation or texture, naaamaze kasi sila sa ibat ibang texture na nafifeel ng kamay nila. Baby ko laging nakasubo ang apat na daliri natutuwa ata siya sa pakiramdam ng gilagid at dila niyang gumagalaw 😅.
Wag daw po tanggalin ang kamay pag sinusubo ng baby. May epekto daw po ito sa pagtanda nila. Need masatisfy ng bibig nila hanggat bata. Kaya mas ok na hayaan ang baby na kainin ang kamay sabi ng nurse kong kapatid 😊
normal lang dw po yan kasi nag eexplore ang baby natin sa part ng kanilang katawan.. ganyan din po kasi baby ko ngayon 3mos din po sinusubo nya lahat ng daliri nya natutuwa pa nga po ako tingnan hehe
Actually momsh hindi lang thumb e pati index finger ni baby ko sinusubo na din haha 😆Gabi lang namin sya nilalagyan ng mittens kasi kinakamot mukha nya. Going 4 months si baby
Ganyan din po baby ko now, mag 3 months sya sa sunday. Mahilig din sya magthumb suck. Pero hindi ko sya nilalagyan ng gloves para mas matuto sya maghawak ng mga bagay bagay.
pinapabayaan ko lng Yung baby ko ipasok Yung daliri nya sa mouth nya .. bsta make sure lng na malinis ung kamay nya .
Pabayaan mo lang sya Momsh. Nag eexplore po sya pag dating ng 5-6mos paa naman niya isusuck nya 😅