Need advice mga mommies

Hi mga mommies kaninang umaga po nagpacheck up po ako sa ob ko 2cm na daw po ako tapos ngayon pong hapon may lumabas sakin na ganyan pero wala naman po akong nararamdaman kahit anong pain or sign ng labor. Lalabas na po ba si baby pag ganyan? Need advice po please. Huhu maraming salamat po sa mga sasagot. #advicepls #1stimemom #theasianparentph

Need advice mga mommies
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako po 2cm na rin FTM. 37 weeks na po ko bukas. advice po sa akin OB ko kapag nag dirediresto na po ang pain saka lang ako pumunta sa lying in and tawagan sya. a week ago pa po kasi nag spotting na ko kaya binigyan pa po muna ko heragest pero close pa po cervix ko nun. kagabi pa po feeling ko na poop ako kahit hindi tapos ngayon sumasakit na balakang ko pero nawawala wala pa rin naman po. singit ko po talagang masakit na. nararamdaman ko na rin po na nagpupush na si baby pababa and hirap na po ko maglakad or tayo. wait niyo lang po mommy ang ibang signals kasi may iba po talaga na matagal bago po makaramdam ng pain. pero start of labor na po yan sabi nila. sabihan niyo na rin po OB niyo na may lumabas po sa inyo. stay safe po! goodluck to us. 💕

Đọc thêm
4y trước

Thank you so much Momsh. Godbless! 😇

same tayo ngayon mommy

4y trước

May pain ka nararamdaman momsh?