Baby rash or nah?

Hello mga mommies. Itatanong ko lang since di ako mapakali sa mga pula pula sa mukha ng anak ko, ilang beses na ko nagtanong sa lying-in kung normal ba yang mga pulang butlig sa mukha ni baby. Sabi dahil lang daw sa init. Sa mukha lang sya meron. Minsan may tutubo sa katawan pero mawawala din. Kapag mainit mas namumula pero kapag malamig nawawala naman yung iba. Hindi kasi nagkaganyan 1st baby ko since December sya nung lumabas kaya malamig ang panahon. Mag-iisang buwan pa lang sya sa 26. May maiaadvise ba kayo? Hindi ko pa maconsult sa pedia since inaasikaso pa namin yung Healthcard nya sa opisina at nakakatakot na ilabas sya. Salamat sa inyo. Happy Father's day sa mga mister, kapatid, kamag-anak lalo na sa mga tatay natin. 💕

Baby rash or nah?
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Baby rash Pero much better IPA check up yan