Need Advice as a mom of a toddler

Hello mga Mommies, hingi lang ako advice sa 18 months old ko and 30 weeks pregnant ako. Nag start lang last week ang struggle ko sa pagpapatulog sakanya nung time na sumama pakiramdam nya at nagsuka sya magdamag, hindi sya makatulog kaya need naka hele lang sya para pag nakakaramdam sya ng pagsusuka maitataob sya agad. To the rescue ang MIL ko kaya sya ang naghehele nung madaling araw na. Kaso that week also yung 3 day tour naming family out of the country, every time na magigising na sya sa pagkakatulog sobrang nagwawala sa iyak at hindi ako sanay na ganun sya.. kahit kargahin ko may time na nasisipa na din ang tyan ko, dahil kahit sa daddy nya ayaw nya din. Naaawa ako kaya kahit nagwawala saakin ttyagaan ko talagang mapatulog, halos 1hr syang iyak lang ng iyak kahit pagod na sya, I thought masama lang ang pakiramdam. Pero nung nakauwi na kami ganun pa din sya kahit ihele ko, madalas nawawalan na ako ng pasensya talaga :( kaya nung time na nandito na ang MIL ko inehehele sya agad syang tatahan up until now kapag magigising sya at iiyak ang hanap nya lola nya. Kaso nandun yung sadness sa akin, di ko pa rin matanggap na ayaw na nyang ako ang nagpapatulog sakanya kapag nagigising sya and at the same time mahihirapan akong patulugin sya ng wala ang lola nya.. nagwawala sya sa iyak. What to do mga mommies? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Aw mama, yan talaga ang mahirap, pakiramdam ko yan kasi dumaan din ako ng ganyan with my first, at grabe talaga ang guilt kahit alam mo namang gawa lang ng circumstances. Since nagsuka siya ng matagal, check with your pedia kung may after-effects pa, like reflux or something, kasi sometimes yan ang reason why they develop that need to be held during sleep, it's a comfort thing after being sick. What a few of us tried is slowly reintroducing yourself during nap time when she's already calm, like mag-start ka ng routine without it being the MIL, pero walang pressure; if she cries, MIL can take over but you're still there, para nakikita niya na ikaw rin pwedeng safe. Honestly mama, at 30 weeks pregnant na rin, be kind to yourself, you can't physically do what you did before, at alam ng babies yan, kaya magbabago lang talaga ang dynamic for now. Once baby comes, things will shift again anyway, kaya don't lose hope na mag-reattach rin kayo eventually. Hugs, ang buhay ng mommy talaga complicated pero makakayanan natin!

Đọc thêm