Meron o wala?

Mga mommies. May gusto sana akong itanong kung ano sa palagay niyo kung tama ba tong nararamdaman ko. Im 31 weeks pregnant po pala btw. Mahaba habang kwento po ito sa please bear with me. Si hubby kasi, meron siyang kaworkmate. One of the boys ang asta niya. Kaya sa lahat ng inuman, yosi break etc kasama siya. Ang hindi ko lang magets sa kanya, sa lahat na gf at asawa ng mga kaworkmates niya, talagang ako ang never niya kinausap or pinansin. Instance #1: Isinama ako ni hubby sa team building nila. Hindi pa po ako pregnant nun so okay lang makipaginuman. So andun na ako sa circle na nagtatagayan, katabi ko hubby ko. Yung iba katabi din gfs/wifey nila. Itong si ate girl ang nagtatagay. Deliberately hindi nya ako tinagayan, or inalok man lang. So hindi na lang ako uminom. Binalewala ko lang tong pangyayaring to. Instance #2: May gig si hubby, and isinama niya ulit ako. Inalok nya din lahat silang magkakaworkmate. So yun, magkakasama nanaman sa iisang table. After a while, inalok ni Ate Girl yung lahat ng kaworkmates nila na lumipat ng table. Dun na ako nainis. Naiwan ako magisa sa table kasi sumunod silang lahat pagalok niya. Si hubby ko lang ang sinamahan ako. Nagkataon din na may mga dumating na sating kabandmates ni hubby so lumipat narin kami ng table. Simula ng dalawang pangyayaring yan, talagang uminit na dugo ko sa babaeng to kasi di ko alam kung anong deal niya sakin. Fast forward last week. May convention trainingng sila sa Manila, from Wednesday to Sunday. Nagkatampuhan kami ni hubby ko during these times kasi hindi nya ako nirereplyan. Nabusy daw kasi. Nung umuwi na siya at nakatulog na kasi mahaba byahe, chineck ko phone nya. Nakita ko sa convo nila ni Ate Girl na nagpapaalam si ate girl kung pwede daw ba ipost nya pictures nila. Baka daw ma-gg ako. Di si ako naman, nainis nanaman kasi sino siya para sabihin na ma-gg ako. Kilala nya ba ako? Alam nya ba kung anong mga bagay ang ikinaka-gg ko? Sagot naman ni hubby ok lang daw. Mejo okay na kami ni hubby nitong mga panahon na to. Nagsorry sya at inamin na mali sya. Fast forward last Saturday. Dahil nga sa nung last last week eh wala si hubby, expected ko na magbabawi samin ng anak nya last weekend. Yun pala may lakad nanaman silang magkakatrabaho. KTV daw. Hindi sumama si hubby kasi wala akong kasama sa bahay pero ramdam ko na gustong gusto nya pumunta saka nainis sya sakin. Nkatulog ako ng 9pm tapos nagising ng 10pm. Sinilip ko siya sa baba. Umiinom syang solo. Di sabi ko ok, napapainom siguro talaga. Mga bandang 1am, may dumating na kaworkmates nyang tatlo at isa dun si ate girl. Dun na ako nagalit. As in di ko nakontrol galit ko kasi alam namam ni hubby na mainit dugo ko sa babaeng yun, inalok alok pa dito sa bahay para maginom. Inintay ko sila matapos hanggang 3am tapos kinompronta ko si hubby. Galit na galit talaga ako nun kasi di ako makapaniwala. Hindi ko naman sya makausap matino kasi lasing na lasing. Nung nakatulog siya, chineck ko ulit cp nya. At yung ate girl na yun ang talagang nagalok na after nila mag ktv, puntahan daw nila si hubby. Ito naman kasing si hubby, nagpost sa gc nila ng picture ng redhorse tapos solo syang nagiinom. Ngayon itatanong ko sana sainyo, dapat na ba akong mabahala? Dapat ko na bang kausapin nh masinsinan si hubby about kay Ate Girl? Sa tingin nyo, may something na ba sa kanila? Pasensya na po napahaba ang kwento, pero sa mga sasagot, maaappreciate ko po ng sobra kasi di ko alam kung napaparanoid lang ako o dahil lang sa hormones ko o talagang evident naman na may dapat akong ikabahala. THanks po.

51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ayyy iba na po yan kausapin mo hubby mo na di ok un sau pati na din si girl na kung pwede dumistansya hindi sa pagiging paranoid iniiwasan lang natin ung possibleng mangyare tsk tsk bad move si ate girl

AnOng problema ng babae nayan!! Kapal nya ah Ka GG xa grabe hahaha 😂😂 nakakaloka mGa diskarte nya at paG treat nya sau... Komprontahin mo nayan para maLaman nya qnG san xa dpat Lumugar... EpaL

Mamsh pag tayong mga babae ang kinutuban it means may katotohanan yan.. Kausapin mo hubby mo.. May something jan sa babaitang yan.! One of the boys pa syang nalalaman.. Haha

5y trước

hahaha

Meron 100% dina man ganun kung mag kaibigan lang sila nang mahal m.at dapat talaga mabahala ka kasi ang hubby m parang gusto nya yung girl sorry pero Ito p talaga nararamdaman ko eh

Yes sis. Kailangan mo kausapin hubby mo. Kasi may mga instincts tayong mga babae kadalasan tama pa hinala natin. Hindi tayo praning or ano na raramdaman lang natin mga nangyayari

Kausapin mo si hubby mo sis. Imoment of truth mo tsaka sabihin mo sa kanya na naiinis ka sa pinaggagawa nung girl. Sabihin mp sa hubby mo kung ano yung mga hinanakit mo

Napaka insensitive ng husband mo. Dapat yung mga ayaw mo (pero reasonable naman) at nagdudulot ng sama ng loob sayo at problema sa relasyon nyo ay dapat nyang iwasan.

Naku momshie ipaiwas nyo na hubby mo dun sa girl na un. Halatang my gsto un sa hubby mo wg mo na dn antayin na mgkaron cla ng relasyon. Talk to ur hubby momshie

I think dapat kna mabahala kay ate girl. Sabi nga nila malakas ang pakiramdam ng mga babae. Kaya kung sa tingin mo may mali ibig sabihin nun may mali talaga.

Thành viên VIP

momsh, kausapin mo husband mo, iopen mo s knya yan, sama mo n ung 2 nauna incident, sabihin mo s knya nfefeel mo, i'm sure maiintindihan un ni hubby mo po,