Meron o wala?

Mga mommies. May gusto sana akong itanong kung ano sa palagay niyo kung tama ba tong nararamdaman ko. Im 31 weeks pregnant po pala btw. Mahaba habang kwento po ito sa please bear with me. Si hubby kasi, meron siyang kaworkmate. One of the boys ang asta niya. Kaya sa lahat ng inuman, yosi break etc kasama siya. Ang hindi ko lang magets sa kanya, sa lahat na gf at asawa ng mga kaworkmates niya, talagang ako ang never niya kinausap or pinansin. Instance #1: Isinama ako ni hubby sa team building nila. Hindi pa po ako pregnant nun so okay lang makipaginuman. So andun na ako sa circle na nagtatagayan, katabi ko hubby ko. Yung iba katabi din gfs/wifey nila. Itong si ate girl ang nagtatagay. Deliberately hindi nya ako tinagayan, or inalok man lang. So hindi na lang ako uminom. Binalewala ko lang tong pangyayaring to. Instance #2: May gig si hubby, and isinama niya ulit ako. Inalok nya din lahat silang magkakaworkmate. So yun, magkakasama nanaman sa iisang table. After a while, inalok ni Ate Girl yung lahat ng kaworkmates nila na lumipat ng table. Dun na ako nainis. Naiwan ako magisa sa table kasi sumunod silang lahat pagalok niya. Si hubby ko lang ang sinamahan ako. Nagkataon din na may mga dumating na sating kabandmates ni hubby so lumipat narin kami ng table. Simula ng dalawang pangyayaring yan, talagang uminit na dugo ko sa babaeng to kasi di ko alam kung anong deal niya sakin. Fast forward last week. May convention trainingng sila sa Manila, from Wednesday to Sunday. Nagkatampuhan kami ni hubby ko during these times kasi hindi nya ako nirereplyan. Nabusy daw kasi. Nung umuwi na siya at nakatulog na kasi mahaba byahe, chineck ko phone nya. Nakita ko sa convo nila ni Ate Girl na nagpapaalam si ate girl kung pwede daw ba ipost nya pictures nila. Baka daw ma-gg ako. Di si ako naman, nainis nanaman kasi sino siya para sabihin na ma-gg ako. Kilala nya ba ako? Alam nya ba kung anong mga bagay ang ikinaka-gg ko? Sagot naman ni hubby ok lang daw. Mejo okay na kami ni hubby nitong mga panahon na to. Nagsorry sya at inamin na mali sya. Fast forward last Saturday. Dahil nga sa nung last last week eh wala si hubby, expected ko na magbabawi samin ng anak nya last weekend. Yun pala may lakad nanaman silang magkakatrabaho. KTV daw. Hindi sumama si hubby kasi wala akong kasama sa bahay pero ramdam ko na gustong gusto nya pumunta saka nainis sya sakin. Nkatulog ako ng 9pm tapos nagising ng 10pm. Sinilip ko siya sa baba. Umiinom syang solo. Di sabi ko ok, napapainom siguro talaga. Mga bandang 1am, may dumating na kaworkmates nyang tatlo at isa dun si ate girl. Dun na ako nagalit. As in di ko nakontrol galit ko kasi alam namam ni hubby na mainit dugo ko sa babaeng yun, inalok alok pa dito sa bahay para maginom. Inintay ko sila matapos hanggang 3am tapos kinompronta ko si hubby. Galit na galit talaga ako nun kasi di ako makapaniwala. Hindi ko naman sya makausap matino kasi lasing na lasing. Nung nakatulog siya, chineck ko ulit cp nya. At yung ate girl na yun ang talagang nagalok na after nila mag ktv, puntahan daw nila si hubby. Ito naman kasing si hubby, nagpost sa gc nila ng picture ng redhorse tapos solo syang nagiinom. Ngayon itatanong ko sana sainyo, dapat na ba akong mabahala? Dapat ko na bang kausapin nh masinsinan si hubby about kay Ate Girl? Sa tingin nyo, may something na ba sa kanila? Pasensya na po napahaba ang kwento, pero sa mga sasagot, maaappreciate ko po ng sobra kasi di ko alam kung napaparanoid lang ako o dahil lang sa hormones ko o talagang evident naman na may dapat akong ikabahala. THanks po.

51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kutob. Marami akong ganyan sa husband ko, kahit nung mag-bf-gf pa lang kami. Lapitin talaga yung damuhong yun e. Madalas tama yan (kutob). Una, ramdam mo yung kaibahan ng trato ni ATE sayo kumpara sa ibang asawa o gf ng officemates ni hubby mo. Wag mo iparamdam kay ATE na affected ka, smile smile ka lang. Pangalawa, hindi gawain ng matinong babae ang pumunta sa bahay ng pamilyadong lalaki, lalo at disoras ng gabi para makipag-inuman. Lakas maka-cheap, nangangamoy desperada. Diyos ko po. Natural at normal na manggigil ka, naiintindihan ko. Kapal ng face niya na tumuntong sa pamamahay mo. Actually, si hubby mo, bad din. Di man lang siya humingi ng permiso sayo, bilang respeto sayo at maybahay niya. Tsktsk. Pangatlo, ito ang ang maipapayo ko. Sadyang may kalandian si ATE sa katawan. Kailangan mong lumaban pero hindi mo kailangang lumevel sa kanya. Ang kaya mo lang paalalahanan ay ang hubby mo. Wag na wag mong kokomprontahin si ATE, pag-aawayan niyo lang ng mister mo, promise. Mag-usap kayo ng mister mo ng masinsinan, wag magtataas ng boses. Karapatan mong magtanong, asawa ka. Kung wala silang something, hindi siya dapat magalit sayo at sa halip ay iassure ka at mag-adjust base sa mga requests mo. Oo mommy, halatang halata na may gusto si ATE kay hubby mo. Ang tanong, si hubby ba e attracted din kay ATE? Posible. Lalo at kung si ATE ang lingkis ng lingkis kay hubby mo. Again, hindi ko inaadvise na komprontahin si ATE. WAG na WAG mong gagawin yan. Mainam na tahimik kang mag-imbestiga. Maging prepared ka lang sa mga makikita at matutuklasan mo. Tandaan mo, nasayo ang lahat ng karapatan bilang asawa, kaya dun pa lang panalo ka na. Dedma ka lang kay ATE. Focus ka sa actions ni hubby. Goodluck 👍 Kaya mo yan.

Đọc thêm
5y trước

nakalimutan ko pong sabihin na before pumunta yung tatlo sa bahay, sinabi po ni hubby na bibisita nga daw. pero ang sinabi nyang name yung isa sa tatlo na barkada nyang lalake. may kutob ako that night na sasama yan babaeng yan at hindi ako talaga nagkamali.

Girl instict lang yan sis. Type n ate gurl c hubby mo. Ganun kasimple lang. Sayang walang post photo para mkta ko kung yummy ba si hubby 🤣🤣 joke lang sis.. ung asawa mo maybe alam n nya from the start yan na gsto sya n gurl at naeenjoy nya un! Though mejo iwas sya kc may asawa n sya, d nman dn nya mahindian. Kung baga sa babaeng may asawa, dba minsan d maiiwasan na may mga boys n nagkakagusto sau sa opis or kng san pa yan, though alam ntn sa sarili ntn may asawa n tau minsan kikiligin ka pdn at para bang nkktuwa lNg ung feeling na may ngkkgusto stn kht taken na. Un ang feeling ko lang sa mister mo. Hahaha wag m muna iconfront , hanap ebidensya muna! Hahaha mhrap dn kc eh pag deny lang nya wala kn magagawa. Ikaw ang lalabas na masama at paranoid. 😌🤗 at additional, pakiramdaman m dn asawa mo, minsan kc baka mmya attracted dn sya dun sa girl kaya d dn nya maiwasan o kung tropa lang b tlga. Hnd nmN aamin yan eh, magbase ka sa actions

Đọc thêm
5y trước

naisip ko din po yan.. baka nafifeel good lang sya sa sarili nya kasi may nagkakagusto pa rin sa kanya. pero sabi ko sa kanya, pamilyado na sya. iba na dapat ang priorities nya.

Kausapin mo ung husband mo po. If he really love u and cares for you, lalayuan or iiwasan nia tlga ung cause na magka labuan kau lalo if related sa mga malanding pukikat. Mahal mo xa sis db? Tell him na wag sirain tiwala mo dhil base sa kwento mo, mabait ka nman po.. Pinagbibigyan mo xa sa gusto nio db? Tell him na payag ka dhil malaki tiwala mo sknya. At kung eeksena tlga si girl na lumandi, or tlga may something na.. Iba parin ang legal sa shunga lng sis.. If it gets worst, pwede mo kasuhan. Wag ka paawa or kawawa ang dating sis. Wag mo bgyan ng katiting na dahilan ung kabit pra tumapang. At ung hubby mo, kausapin mo tlga sis. D man natin ma bantayan lahat ng kilos or laman ng isip but alam nia na consequences pag nagloko xa. Be strong po. I feel u.

Đọc thêm

May gusto si ate girl sa hubby mo kaya di ka nya feel kasama. And kung matino yung girl rerespetuhin ka nya like di na nya kailangan itanong sa hubby mo kung pwedeng ipost yung pic nila kase siya bilang babae alam nya mararamdaman mo. And kausapin mo si hubby, sabi mo nasasaktan ka sa tuwing kasama o nakakachat/text nya yung girl. Pag nagalit si hubby, ipaintindi mo sakanya, ibaligtad mo sitwasyon. Sabihin mo kung ako yung may kaworkmate tapos panay labas namin pag nag aaya. Tapos may picture kami together at ichachat ako kung ayos lang ipost nya yon at sabihin kong ayos lang, anong mararamdaman mo kamo sakanya. At dun nya marerealize lahat.

Đọc thêm

Para Sa akin Iba talaga ang kutob ng babae pag Nag isip ng ganyan ang Babae At kinutuban Sa sitwasyon tungkol dyan masasabi ko na pwepwedeng 100% totoo .kase ako lalo na nung buntis ako lakas ng kutob ko Sa mga ganyan .yun palang Sa sinabi mo na Nag message si girl Sa husband mo At nag papaalam na ipost ang picture Nila Kung wala Lang yun pwede naman nya ipost ng Hindi sya Nag papaalam Sa husband mo Kung pwede ba nya ipost..papunta palang Sa pag lalandi ang babaeng yun Sa asawa mo pero Kung mahal na mahal ka ng asawa mo At Hindi nya yun magagawa sayo Hindi ka dapat mangamba. Godbless you.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hello momshie, for me dapat palagi kayong nag-uusap share ko lang. Communication kasi is the number one key to work a relationship. Everyday may convo kami ng hubby ko. Ako palagi nag-start ng convo kasi tahimik syang tao. As much as I can I want him to feel more happy kasi sya lang nag-wo-work ako stayed lang sa bahay preggy pa kasi ako. Now my point is you should ask me very seriously sa situation meron kayong dalawa. Alam mo kasi hanggat hindi nalilinawan sa isip mo ang isang bagay. You cannot calm. So momshie go for it. Kaya mo yan. Dont be so stressed hindi nakakaganda. Hahaha

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kairita much si ate girl momsh. Hindi ito basta paranoia. Gumagana ang iyong woman's intuition. Siguro ganyan din ang mararamdaman ko. At itong si hubby napakadense, aayain pa niya si ate girl sa bahay niyo kahit alam na niyang hindi okay si girl sa 'yo. Magaganda mga advice ng mga naunang momshies, wala na akong masasabi pa. Gusto ko lang magcomment kasi parang yung mga napapanuod ko 'to sa movies. Ipagdasal mo din momsh na ilayo si hubby mo sa mga tukso tulad niyang si ate girl at si ate girl na makahanap ng sarili niyang partner para hindi na kayo guluhin.

Đọc thêm
5y trước

yun nga din po talaga napakadense nga. insensitive pa. pero in defense naman po kau hubby, ganun sya talaga. mahina sya makagets ng mga ganyan or siguro talagang iniignore nya lang. ilang beses ko na din sya tinanong kung ano ba talaga ang sagot nya laging wala naman daw. same daw ang treatment nya sa lahat. saka sa part po ni hubby, hindi ko pa naman sya nararamdamang parang attracted din. pero syempre vigilant pa din ako kasi sabi nga nila, kapag malandi mahirap kalabanin. specially itong case ni ate girl kasi one of the boys ang peg niya.

Hahaha. Naenjoy na na-GG din ako sa Kwento mo mamsh ahh! anyway about don sa Desperdang Babae yun, Feeling ko may something sya doon sa Hubby mo! and kaya di kanya Pinapansin Nagseselos siguro sayo kase type nya Hubby mo! 😂😕 For me mamsh. komprontahin mona. kesa Tumagal payang Kakatihan nya at may mangyare dipa maganda sainyong dalawa. Basta act like a pro (Profesional) mamsh! kapag may gnwang di maganda sayo, ako na kakalbo don mamsh. hahahhahaha Balitaan mo kame sa susunod na kabanata ah . 😂😂😂 Godbless wag masyado paka stress ah. 😍😍

Đọc thêm
5y trước

sa ngayon po, si hubby ko ang kinausap ko talaga. sabi ko meron o wala AYOKO SA BABAENG YAN. kaya sabi ko wag na wag niyang uulitin na papuntahin sa bahay yun kasi di ko alan kung makakapagpigil pa ako. anyway, yan babae po talaga ang nagpumilit pumunta base sa convo nila. sa tingin ko parang napilitan si hubby kasi yung ibang kasama mga barkada nya din.

Para siguro sa ikapapanatag ng loob mo, iopen up mo kay hubby ung mga nararamdaman mo, pero say it calmly, wag kang mauuna ng galit kasi baka sa away lang mauwi. Kung wala naman dapat ikabahala, I'm sure naman na ikiclear sayo un ni husband. Pero base sa kwento mo, feeling ko si girl ang may something sa husband mo. Baka may hidden desire. Which I hope eh hindi mutual. Or baka hindi ka lang talaga feel ni girl. Anyways stay positive lang and calm lalo na buntis ka. Ipagpray mo lang din ung relationship ninyo. 🙏💕

Đọc thêm
5y trước

Baka patay malisya na lang siya para di na lumaki ung issue. Pero siguro wag ka na lang maging kampante masyado, i mean, be observant pa din, alam mo naman ung mga babaeng may balak, sila pa matatapang talaga. Keep on praying na lang, and wag mo stressin sarili mo. 💕

Momsh kausapin mo muna yung hubby mo. Sabihin mo sakanya kung bakit ayaw mo dun sa girl at kung bakit parang palagi nalang nagiinitiate yung girl. Hindi kaya nakukuwento ka ng hubby mo na selosa ka ganon? Pero ang kapal ng face ng girl momsh! Talagang sinisingle out ka nakakaloka! Mas okay pag naginuman ulit sumama ka tapos obserbahan mo maigi reaction nya and ng hubby mo. Pati na din mga friends nya. Baka kasi yung babae lang talaga yung deads sa hubby mo and baka tropa lang talaga tingin dun sa impaktitang yon.

Đọc thêm