Naranasan niyo ba na mag ka almuranas habang nagbubuntis?
Hi mga mommies, Gusto ko sanang itanung sa inyo. Kung naranasan niyo na ba na magkaalmuranas habang nagbubuntis? Ano ang ginawa niyo? At nireseta ng OB niyo? Noong una kasi akala ko constipated lang kasi normal lang talaga habang nagbubuntis. Pero lumabas kasi ang almuranas ko bago ako magbuntis masakit ang aking pag dumi hanggang ngayon na nagbubuntis ako. Noong May o June dumumi ako na may kasamang dugo siguro tatlong beses yon. Pero nawala din. May nakaexperienced din ba sa inyo ng ganun? Kaya ako puro prutas, gulay at madaming tubig. Kaya isang beses lang ako dumumi minsan dalawa, masaya na ako kung nakakatatlo kasi maginhawa sa amin ni baby. Kayo ba mga mommies? #firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls