Pag bukod sa in laws

Hi mga mommies gusto ko lang po ng advice sana matulungan nyo ako. 7 months na ang nakalipas simula nung nanganak ako, at eto kami ni mr. Nakikitira sa bahay ng parents nya. Pero ang parents nya ay nasa korea pareho. Bale ang kasama lang namin dito is yung katulong at kapatid nyang babae na senior high. Bata pa kami oo nasa 23 years old kami, wala pa kaming sariling bahay, pero pareho kami nakapag tapos ng college at kinasal na rin kami. My problem is, pinagtatalunan naming mag asawa ang pagbubukod. Ako kasi gusto kong bumukod kapag umuwi na yung parents nya dahil ayokong makisama sa in laws, kahit pa sabihin na mababait sila. Ayoko pa din. Si Mr. ay seaman pero hindi pa sya nakakasampa sa ngayon at wala pa kaming ipon. Ang gusto nyang mangyari ay dito muna kami ni baby habang nasa barko sya. Magiipon daw muna kami saka na kami bibili ng bahay dahil sayang daw kapag nangupahan pa kami. (gusto ko kasi umalis dito at mangupahan kami) Naguguluhan na ako, ayokong makasama ang inlaws ko dahil ayokong may matang laging nakatingin sakin. Yun yung pinapaintindi ko sakanya pero ang judgemental ko naman daw. Subukan ko daw muna makasama at kilalanin ang mama nya. Pero ako ayoko, kahit gano pa kabait yan, iba pa din yung nakabukod. Yun ang hindi nya maintindihan. Sa tingin nyo, sino ba saamin ang tama? I need your advice dahil na stress na ako. #advicepls #pleasehelp

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

may point naman po asawa niyo. tsaka mas praktikal na habang wala pa kayong sariling bahay e makitira muna kaysa mangupahan. wait nalang po ninyo na makasampa siya and makaipon saka magpatayo. and pwede naman kasing kapag sumampa na siya sa inyo ka muna umuwi at least sa inyo komportable ka kasi parents mo naman kasama mo at matutulungan ka pa nilang alagaan yung anak ninyo

Đọc thêm
Thành viên VIP

For now, be practical mommy. Tama si hubby mag ipon muna kayo. Yung ibabayad nyo sa rent ipunin nyo na muna para sa pagpapagawa ng sarili nyong bahay. Pag umuwi parents ni hubby at wala sya dyan, baka pwede dun ka muna sa side mo if di ka magiging comfortable dyan sa mga inlaws mo. Tama ka na dapat bumukod pero sa panahon ngayon kelangan din maging practical.

Đọc thêm

For me po, may point ang Mr mo. Hindi madali ang bumukod basta basta lalo na kung walang sapat na finances. Tiis ka lang muna, makakabukod din kayo sa tamang panahon. Mabuti nga inlaws mo sis at may matinong bahay. In laws ko walang maayos na tirahan. Maigi na lang at nakaumpisa na ako maghulog ng bahay bago pa kami nagsarili ng Mr ko.

Đọc thêm
Thành viên VIP

parihas tau ng situation sis aq dn nakitira sa inlaws ko ayaw ko sana titira dto kc nahihiya aq sa pamilya niya kaso wala aq magawa kc mg.iipon dw muna kmi habang nasa barko siya...wala namn masama kung subukan natin sis kc ung iniisip nila kapakanan dn natin ..try molang sis kung di talaga kaya separate nalang talaga hehehe

Đọc thêm
Thành viên VIP

hindi po ba pwede sa family ka muna po ninyo instead sa family ng asawa mo habang sa ngayon ay nagiipon kayo para pambili ng bahay? tapos kapag nakaipon na po, bumukod na kayo. kasi for me hindi rin kasi ako comfortable kung nasa in laws ako tapos wala ang asawa ko. pero don't get me wrong, mababait din sila.

Đọc thêm

ipon muna pra makabili ng bahay ganyan ginwa ng jowa ko may bahay n sya ngyon tiis muna kesa mangupahan. seaman din sya at wla na kasama sa buhay mommy nya kaya sasama n dn nmn sa bagong bahay mommy nya matanda na dn at pra may ksma kami kapag sumasampa sya. tiis lng muna mkisama ka momshie pra makaipon kayo

Đọc thêm
Thành viên VIP

madaming pros and cons sa pagstay sa in laws mo and sa pagbubukod. weigh in mo muna kung saan mas dadali ang buhay niyo ng family mo. think of the pros and cons tapos discuss mo sa husband mo lalo na kung sa finances niyo ang pinag uusapan kasi yan ang hinding hindi dapat pinag aawayan ng mag asawa 😊

Đọc thêm

Tiisin mu muna inlaws mu habang nag iipon pa kayu kaysa yung mangupahan kayu na dun pupunta ang pera niyong mag asawa, tiis tiis lang sender at ikaw na mag adjust sa lahat, wag ka lang abusuhin kasi ibang usapan na yun.

Sa family mo muna ikaw mag stay kung ayaw mo sa inlaws mo. Mahirap mangupahan lalo pag wala kang ipon, yung pera na meron kayo ngayon panggastos nalang muna sa baby nyo

magtiis ka muna sis.darating rin kau sa time na mkkabukod kau tsaka dpa nmn nkka alis asawa mo.