Hi mga mommies! Gusto ko lang po magshare Actually mga mi, feeling ko nai-stressed nako. As a first time mom, I want the best for my baby. Lagi ako nagbabasa aboyt sa milestone ng baby. This past 2 month, hindi ako masyado nahiraoan mag adjust sa milestone ng baby ko. Pero sincs nag 3 months old so baby lalo ngayong this past few days, ngayon lang ako nag stress ng ganito. I don't know if sapat ba yung milk na naiinom nya sa isang araw. Unang araw palang na naoansin kong humina sya mag milk, pinacheck yo ko na sya kinabukasan. 6.5 kg na si baby, maganda naman daw timbang nya and walang prob sa ngala ngala or lalamunan nya, so pina cbc sya ng pedia nya, and we found out na mababa pala hemoglobin nya so anemic si baby. Nag research ako and I also found out na dalawa sa mga signs ng anemic baby, is poor appetite and cold hands and feet. Yang dalawang signs ang meron sa baby ko. Niresetahan naman si baby ng ferlin for 2 months intake then pa cbc ulit after 2 months for monitoring. Until now, can't help not to worry lalo na, hindi padin bumabalik yung appetite ni baby kahit every 4hrs na yung interval. May times na nauubos nya ang 4oz, may time na 3oz and 2oz. Pero pinipilit ko padin maubos nya kahit 3 oz lang. Kasi kung 4 hrs interval, meaning nakaka 5 times lang sya mag milk sa isang araw tapos hindi pa nauubos minsan. Kung dati nakaka 24-28 oz sya sa isang araw, ngayon nakaka 19-20 oz nalang sya. Worry ko baka bumaba timbang nya, and makulangan ng nutrients ang katawan nya. Kayo mga mi? Ilang oz pinapainim nyo sa 3 months old baby nyo? And ilang beses sila magdede sa isang araw? Hoping na sana healthy mga baby natin and hindi magkasakit. Ang hirap mag adjust, every month may pagbabago sa baby. Pero I'm trying my best para sa kanya.