Gusto ko lang mag share.
Mga mommies, gusto ko lang magshare ng nararamdaman ko. Meron akong preemie baby 31 weeker, turning 6 months na siya. 24 days nag stay sa nicu. Kahit anong pump ko noon ay sobrang konti talaga ng milk ko. 1 month lang siya nakapag breastmilk pero hindi sakin galing. May mga friend lang kami na nagdodonate ng bm nila. Hanggang ngayon nagguilty pa din ako bilang isang mommy. Ni hindi ko manlang napa dede sakin si baby. Hindi ko na nga siya agad nakasama nung pinanganak, hindi ko pa mabigyan ng sarili kong gatas. Feeling ko wala akong kwenta na nanay. Hindi ko maiwasan na mainggit paminsan sa mga mommy na pure breastfeeding sa mga baby nila 😢

