Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭
1108 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Napakasakit naman makabasa ng ganito bilang isang ina din.. Napakasakit.. Naiyak ako.. Sobra.. Ito yung pinakakinakatakutan ng mga magulang.. Napayakap ako sa baby ko.. 😔😢 Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Lord na binigyan nya ako ng healthy na baby.. Di ko kakayanin mawalan ng anak 💔 ako na lang ang mawala kesa anak ko..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hala grabe to😭🥺 kakapanganak ko palang bago ganito nabasa ko hagulgol ko ng iyak mamshie grabe😭😭😭 lalo na ung isusugod nyo na sya sa hospital NAPAKASAKIT😭😭😭😭 matagal na tong post 1yr ago pero alam ko hinding hindi mawawala sa inyo ni hubby ung time na kung gano kayo kasaya nung dumating si baby sa buhay nyo❤️🙏🏻

Đọc thêm
3y trước

🥰🥰🥰 thank God atleast na less ung pain❤️🙏🏻 virtual hug mamshie❤️🤍 ingat kau lagi ni baby🙏🏻❤️

Sobrang sakit naman momsh, naiiyak ako habang binabasa ko, lalo na sa part na nakatingin lang sya sayo na parang kinakabisado nya ung face mo bago sya mawala. Siguro kung nagsasalita si baby that time sasabihin nya sayo na okay lang sya at magiging masaya sya sa pupuntahan nya. Stay strong mommy meron ka ng guardian angel na sobrang ganda.

Đọc thêm
4y trước

Yes mommy.. Sobrang bigat nung part ng buhay ko na yun.. Pakiramdam ko nung mga oras na un mababaliw ako kasi wala ako magawa na kahit na anu kundi umiyak at manalangin lang.. Pati partner ko habang nagdadrive umiiyak din.. Sabi nya.. Wag ka mag alala baka natutulog lang sya kasi inaantok yan pag sa byahe.. Pilit namin iniisip ung possitive kahit na wala na... 😔😔😔 pero thankful parin kami kasi kahit saglit pinahiram sya samin😊

Grabe sis! Naiiyak ako habang binabasa ko. Bilib ako sayo. Napaka tapang mo para ikwento to. Sa ibang mommies, ayaw ng balikan pa ung ganitong alaala eh. Lalo na ung pbyahe kayo ng hospital hanggang sa bumitaw baby mo. Napaka bigat sa dibdib basahin. Kung nasan man baby mo ngayon masya sya para sa inyo. Congrats sa bagong baby mo sis!

Đọc thêm
4y trước

Tama ka sis. May exp din ako sa 1st born ko nung 1yr old sya nung nag seizure sya. Nakatulugan ko kase sya dahil sa puyat kakabantay sa kanya nung nilagnat sya. Nung nakatulog kami mag asawa, ginising nya ko para dumede sakin, then bigla syang nangisay. Umiiyak kamin nun. Hanggang sa nahimatay sya. Kala ko kukunin na sya samin. Sumemplang pa kami sa motor nun. 1 yr dn sya halos nag gamot nun. Ngayon 3y.o na sya kaya dama ko ung pain sayo sis

Tumutulo ang luha ko habang binabasa ko story mo momshie. Ang sakit makitang nahihirapan si baby lalo na 2mos pa lang. Pero sabi mo nga nakapahinga na siya at di na siya mahihirapan pa kung nabuhay man siya. Masaya na siya kung saan siya ngayon. Congrats din sa new baby nyo God bless po at sana lumaki siyang malusog.

Đọc thêm
Thành viên VIP

sobrang sakit 😭😭😭😭😭 condolence po mommy.. 😭😭😭 si baby ko naman, nasa tiyan ngayon, nahihirapan din huminga dahil sa cyst niya sa baga na nag cacause ng paglaki ng lungs niya.. napupush ng lungs niya yung puso niya kaya nahihirapan siya huminga. sana mawala na yung cyst na yun.. sobrang nakakaiyak. 😭

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy im a physical therapist, may patient din ako na ganto pedia sya ang nagkaproblema sa kanya ay puso, baga at pagiisip 3 yrs old na yung bata pero pang 5 mos pa lang yung kinikilos nya and sobrang rare lang nung sakit nya 1 out of 1 million lang yung kanyang sakit, sakadahilanang nagkabulutong din mommy nya nung pinqgbubuntis sya.

Đọc thêm
3y trước

Hi mommy.. Cguro nga un din dahilan ni God kung bakit nya kinuha samin si baby.. Para hindi mahirapan pag dating ng araw dahil sa nagkasakit ako nung pinagbubuntis ko palang sya

sumisikip dibdib ko dto habang binabasa ko kwento mamsh..natumutulo luha ko..hang binanas ko kwento mo.. God is Good all the time talga..to bring a new blessing agad to heal u mamsh for sure sya rin un new baby nyo ang bagong pagkasilang nya God bless us all😇😇😇..keep safe everyone.. lets enjoy motherhood stage by stage

Đọc thêm
Thành viên VIP

Masakit talaga mawalan ng anak..lalo na pinapangarap niyo.ako nga nakunan ako at talagang umiiyak ako ng sobra kasi masakit..how much more yong nayakap at nakita ni momshie yong baby niya .sakit talaga..Pero.sabi nga ang lahat at may rason at dahilan kaya wag parin tayong sumuko sa pananalig at pananampalataya saating panginoon

Đọc thêm

condolence momshie,, habang binabasa ko to..tumutulo ang luha ko,, feel ko rn yung nrrmdaman m, kasi nawalan dn ako ng anak 9months ko syang nkasama, pro i iwan dn ako..😥😥😥sobrng sakit talaga pag nawalan ka ng mahal sa buhay lalo't yung 9months mong dinala sa sinapupunan mo😭😭😭 ay mawawala nlng ng ganun lang..

Đọc thêm