Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭
1108 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same ang ng yari saten momsh maaga din kinuha ang pnganay nmen ng hubby cu pag kasilang cu palang sknya kinuha n sya kgad smen kumpleto s buwan sya lahat ng laboratory cu that day n mnga2nak n cu ay okay pero ng inilbas cu ung bby cu nde sya umiyak nirevive p sya pero wala din kaya isang malaking question prin sken bakit ganun?last oct.2020 lng acu nnganak normal delivery pero ngyon taon manga2nak n ulit acu at k birth month p ng pnganay nmen this time sana pra smen n tlga kc sobrang nkakadurog ng mawalan ng anak🙏

Đọc thêm
Thành viên VIP

Condolences mommy🙏 I also feel the grief of losing a baby 💔 Isang buwan pa lang ang nakalilipas simula nung kunin siya sa amin. Walang araw ang nagdaan na hindi ako umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.😓Para ka na ring namatay sa oras na nawalan ka ng anak 😓 I'm praying for you mommy at sa baby mo. Godbless you always 😇 Isipin na lang natin na masaya na ang mga anghel natin 👼 Siguradong binabantayan niya na rin ang kapatid nya sa sinapupunan mo. Keep safe po ❤️

Đọc thêm

Masakit talaga pag namatayan ng anak. 😥😢😭My first son died 4 years ago, 1 year and 4 months sya nung time na yun. Di ko nalang irerecall yung pangyayari, importante masaya at di na sya makakaramdam ng sakit sa heaven. Nagpapasalamat din kay God na binigyan ulit ng blessing 😊 1 year and 2 months na yung 2nd son ko. Totoo na sa pagkakataong ito, gagawin ang lahat para di na maulit yung nakaraan. Mahal tayong lahat ni Lord. God Bless sating lahat and keep safe po! 😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

condolence momsh.. i cant bear to imagine anon sakit ang narramdaman mo nasa tiyan ko.plang ang magging babay namin pero ngayon plang hindi ko kkyanin may mangyari sknya... Have faith lang lagi kay Lors hindi mo.man maintondohan bakit ka niya binibigyan ng mga ganitong pagsubok I know sometime eventually marrealize mo na rin ug purpose.. keep your faith in the Lord and offer everything to him hoping ako everything will be fine sa new angel mo... kaya natin toh momsh pakatatag ka

Đọc thêm
Thành viên VIP

Parents worst nightmare is facing their childs death and nobody deserves to go through like this😭 Sending hugs for you moms but am truely happy that after the storm you are finally holding your rainbow now. How i wish i will hold my rainbow too after 2 losses, one chemical pregnancy at 8weeks and one 32weeker emergency CS due to preeclampsia 😊🙏 Here's a picture of my little fighter you can also watch her tribute video in youtube "the life of our angel"

Đọc thêm
Post reply image

Same feeling nung nawala baby girl ko 😔 halos gumunaw din mundo namin ng hubby ko . 8months old sya nung binawe sya samin ni God !! Year 2019 . Sobrang sama ng loob ko to the point na sinisisi ko si God sa nangyare . But now i realize na may dahilan ang lahat kung bakit nangyayare . Pumasok ang 2021 isang goodnews ang sumalubong samin ❤️ im preggy again same baby girl september nawala first born ko . Now september din ako manganganak ❤️❤️

Đọc thêm

Hello baby gabayan mo si mommy at daddy mo.. ramdam kong napakabutio kung nadugtungan pa ang buhay mo.. base sa kwento ng mommy mo yung nakatingin ka lng sa mommy mo hanggang sa huling buhay mo parang namamaalam ka na... Napakasakit kht sa kwento lng na mawala ng maaga ang isang katulad mo.. sa iyo po mommy tibayan nyo loob nyo isipin nyo na lng na anjan lng si baby kasama nyo pa rin sya.. nakakadurog ng puso... Rest in peace Baby... ❤️😭💔

Đọc thêm
4y trước

Sobrang sakit po talaga mommy.. Kaya po ung unan na gamit nya lagi kong yakap yakap kase walang araw na hindi ko sya namimiss... Bawat araw mas lalong sumasakit.. Pero kailangan kayanin😊😊

Sobrang nakakalungkot yung makunan ka nga lang ang sakit na sa damdamin kasi expected mo magkakababy ka na. Yung naalagaan pa kaya. I have 4 years old daughter and she's my first child. Napayakap ako sa kanya. Yumg pangalawa ko nakunan ako. Going to 4 months yun noong 2017. Ngayon biniyayaan ulit ako na mabuntis at sana maging safe ang aming baby. I'm sure naman na yung baby mo ay binabantayan ka at yung baby sa sinapupunan mo ngayon.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sobrang naiyak ako.. Sobrang lungkot pro dpat tlga tatagan natn lahat kasi c God ang tanging nakakaalam ng lahat n mangyayari.. Hindi kau pinabayaan ni God na masaktan ng histo dahil binigay Nya s pamamagitan ng isang baby uleh ang blessing Nya sanyo, malay nyo c baby zaeryxine uleh yan na nag babalik lang uleh sa ibang pagkatao.. Goodluck sis! Alam ko na may mabuti kayong puso para pagkalooban uleh ng panibagong blessing.. Godbless! 😊

Đọc thêm

Condolence po mommy and congrats n dn for ur new baby.. Nxt tym po mommy ingat po kau, kht n hnd po kau buntis if alam nyo n meron my sakit n nkkahawa s lugar nyo, wag nyo po hayaan n mhawaan kau. Also ung importance po ng newborn screening, kht po malayo konting tiis lng po bsta pra s ikkabuti ni baby..You can also seek opinion from other doctors/clinic if hnd available ung pnpacheck upan nyo po.. Praying na maging ok kayo and for ur baby..

Đọc thêm