bigkis no more??
Mga mommies, gumamit pba kau or gumagamit prin ng bigkis kay baby? Dapat pba? Sa tingin nyo?
Gusto ng mga matatanda dito samin na bigkisan sya.. tinry ko lagyan sya nun week after natanggal pusod nia.. pero lagi sya nag lulungad after breastfeeding kahit napaburp ko sya. Kaya tinanggal ko na. Di naman sila umangal. Di rin naman kabagin anak ko. Sabi nila para din daw magkabewang pag bb girl.. eh heller, ako nga binigkisan nun bata, coke in can parin naman bagsak ng katawan ko. 🤣
Đọc thêmNapipilitan lang nung bagong panganak dahil dito sa province may hilotb at may pakialamerang MIL, hinahayaan ko lang ilagay nya pero pag alis nya tinatanggal ko din. Ayoko na parang iniipit ung tyan ng anak ko. Di ko makita ung point na bigkisan pa. Even the doctors dont allow it so why bother
Sabi ni ob di na daw kailangan bigkisan ang baby. Isang beses binihisan ng kapatid ko yung baby ko, nilagyan nya ng bigkis. Nangamoy yung pusod nya tapos basa. Mas okay yung nahahanginan yung pusod sis para mabilis matuyo. Makukulob kasi yan at mamamaho.
Ndi na xa uso..pero bibigkisan q pa den c baby...ndi nmn masama sumunod sa mga old nakasanayan as long as ndi xa makakasama sa health ni baby...pang 3baby q n kc eto..dun sa dalawang baby q binigkis q...ok nmn xa..wag lng masyado mahigpit ang tali
Sabi paggirl magbigkis para di lakihin ng tyan. 😅 Pero pag di kasi nagbgkis mas mabilis matuyo ung pusod eh. Kayo po kng ano susundin nyo, ok naman na magbigkis, okay dn naman na wag na.
Hindi na po mommy. Mas madaling matuyo yung pusod nila. Yung pusod pa ng baby ko dari nakausli pero naging maayos na sya ngayon. Di din naman sya kabagin
ndi na..kaya daw di makadede ng ayos ang baby kc nakabigkis,khit naman taung matatanda,try mo magbigkis tapos kumain,uncomfortable db
Sabi ng ob di na daw kailngan bigkisan sabi ng matatanda binibugkisan..prro ang sinunod ko ung ob..ok lang naman pusod ni baby
Di po recommended ng OB ang bigkis kasi kusa namang matutuyo basta lilinisin lang lagi ng alcohol ung pusod ni baby.
Yung baby ko hnd ko na binigkisan. Tinutupi ko lng diaper pra di matamaan. So far 1 week lng natanggal na pusod.