23 Y/O pregnant
hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(
Ganyan tlaga kahit sinong magulang ganyan ang magiging initial reaction. Tanggapin lahat ng sasabihin, wag mo na isipin yung sasabihin ng ibang tao. Sa umpisa lang yan mahirap, napagdaanan ko din yan. In the long run maiintindihan at matatanggap din nila sitiation mo. Godbless soon to be mommy 😊
Sabihin mo po, para sakin mas okay na humarap din bf mo sa parents mo at magpakalalaki. Siguro magagalit kasi sabi mo nga mataas expectations nila, pero in God's perfect time matatanggap nila yan, lalo na apo nila. Kung di man sa ngayon pero soon. Pray lang po at wag masyado paka stress.
hello po! thank you sa mga advise! honestly nakakastress pero nakakatuwang may mga tulad nyo pong nakakainindi. I really don't know how pero susubukan ko po. kasi laging nag aatempt pero nauudlot. This time I'll make sure na masasabi ko na sakanila (hopefully wag lang silang atakihin).
sabihen mo na d mo naman kasi mattago sa knila... kung ano man maging reaction nila tanggapin mo ganon talaga may mga magulang talaga na masyado mataas ang expectation sa mga anak nila... :( kaya nkakainggit ung may magulang na supportive sa pinag dadaaanan ng mga anak nila.
I was your age when I got pregnant with my first born. Although may work na ako that time, natakot din ako kasi inaasahan nila ako eh. Pero after ko masabi, inalagaan ako ng mama ko. Kaya sabihin mo na para less na din sa stress mo.. makakaapekto yan kay baby. Kaya mo yan! ☺️
Haha ganyan din ako though alam na nila na may boyfriend na ako at ikakasal na. Medyo nadisappoint lang kc before nagkasal meron na si baby. Pero tingnan mo ngayon, si Mama pa kusa bumibili ng fruits and mga panglihi foods ko. Sana babae pa nga daw sabi eh. Hehehe
Lavarrrn Momsh😊💕 Syempreee po magagalit sila, Pero in the end Matatanggap ren po nila yan, Lalo na po kapag nakita na nila ang apo nila😊 Di pa po huki ang lahay, edi kapag kapanganak mo po pahinga then, Tuloy paren po sa Mga Pangarap😊💞
Hindi madali pero kelangan mo ng sabhin habang maaga..pray for wisdom and guidance from our Lord☺️accept mo lang kung anong sasabhin nla.humingi k dn ng sorry..isama mo boyfriend mo.humingi kau ng tawad at magplan na kung anong balak niu..kaya niu yan..God bless
umpisahan mo lang magsalita at sabihin na buntis ka.then everything will follow..anuman ang sabihin nila tanggapin mo at pakinggan..wala na silang magagawa dahil buntis ka na.maghanda ka na lang ng sagot sa tanong nila..sa kung anong plano nyo??
hi Sis naintindihan kita Pero need nila malaman sitwasyon MO I'm sure maiintindihan ka nila... walang magulang na di matitiis ang Anak .. aminin natin na minsan nagkakamali talaga tayo.. Pero need natin harapin lahat ng resulta..