How?
Hi mga mommies. Belated Happy Mother's Day. ? Ask ko lang saan inyo kung paano nyo sinabi sa magulang nyo na buntis ka. Pero ang situation is bata ka pa para dito. I'm 18 years old na btw. thankyou in advance sa sasagot.
22 ako nabuntis. Monthsary namin nun kaya may handa. Which is sanay na sila mama na pag monthsary namin, may kunting handa or lalabas lang kaming dalawa ni boyfie na hubby ko na ngayon. Nung time na un, monthsary. Pinakain muna namin saka sinabi. Parang nilason muna daw namin sila. Haha. Anyway, nagalit sila, as expected. Tatlong araw mataas dugo nila pareho ni mama and papa. Pero natanggap din naman nila. Ngayon lumabas na ssi baby, sobrang saya nila. Pag nandito sila sa bahay, nahihiram ko lang pag magdedede. Haha
Đọc thêmsaakin ang unang nakaalam tita and tito ko. nag aaral pako sa lagay na yun last year ko na sa college natatakot ako kasi laki ng expectation ng mommy ko sakin since kami nalang dalawa. Tinulungan ako ng tita ko na sabihin sa mommy after niya malaman punta agad siya sa boarding ko nagalit siya and nag alala. kailangan lang ng lakas ng loob at pray lang din kay God. Magagalit sila pero di ka naman nila papabayaan syempre andiyan na wala na din magagawa ang magagawa nalang is to support and to take care of you 😊
Đọc thêmIn my case over the phone lang kasi the moment na nalaman namin ng husband ko na pregnant ako ee nasa vacation yung parents ko. Sobra naman sila natuwa at binilinan ako na mag iingat lagi. well in your case for sure ma d-disapoint sila, all you need to do is to accept kasi sa una lang naman sila may galit, ang magulang is magulang mahal nila tayo, once na lumabas na si baby magiging ok na din sila at matutuwa sa baby 😊
Đọc thêmI am 20 years old now and 18weeks preggy di ko sinabi ng deretsahan kase natatakot ako at nahihiya na din at the same time pero nahalata na ng parents ko dahil tumaba daw ako at almost 1 month na akong di nagkakaroon ng monthly period. Pero naging okay naman agad sakanila since graduate nako ng college and may permament job na rin 😀
Đọc thêmI was 18 sa 1st born ko. Sinabi ko lang sa papa ko na di na ako nag kakaron need ko na ata magpa check up. Tas nag tanong tanong sya sa mga tyahin ko kung ano dapat gawin. Ang ending, binilan ako ng pt ng papa ko at nag positive sya. 😅 Not applicable sa mga strict na tatay. Hehe. Sobrang bait lang kasi ng papa ko. 💕
Đọc thêmIm 22 years old nung nabuntis ako sobrang kaba ko din nun nung nalaman kong buntis ako kse kakagraduate ko lang nun ng college. Kaya we decided ng partner ko na sabihin sa parent ko ng personal kasama sya. Mas maganda kse na dalawa kau ng partner mo ang humarap sa magulang nyo para na ding pag galang sa knila
Đọc thêm21 yrs old ako non, hindi ko sinabi. nahalata lang nila. at yun umamin nako. di ko kayang sabihin kasi nag aaral pa ako at the same timw di nila alam na may boyfriend ako. nagalit sila pero kahit anong galit tinanggap nalang nila okay na kami ngayon :) 8 months preggy nako
Hahaha ako Diko dama na may mother ako 😂 kase nag open nalang ako sa tita titahan ko kaya sya nalang nag adjust na sabihin sa mga umampon saken di naman nagalet kase may work naman na ung hubbyko mahalaga naman daw is wag pabayaan ung bata 😂
sa personal ko po sinabi nagalit sila pero nawala din nung nakita na nila yung apo nila hehehe. mas maganda po mag sabi sa personal kesa malaman pa nila kung saan mas magagalit lang sila pag sa iba pa nila nalaman.
ako tinext ko lang rin kasi kahit anong attempt ko ayaw lumabas sa bibig ko then habang tinatype ko un iyak nako ng iyak. at nag maganda dun naintindihan naman ng parent sana nagsabi daw agad ganun