singaw ng lagnat
hello may mga mommies ba dito na nagkaroon ng rashes ang anak pagtapos lagnatin, 7 months lo ko nilagnat siya dahil nagngingipin. normal po ba magkarashes? ang sabi singaw daw ng katawan
Wag po mag assume na sa lahat pag nagngingipin ang paglalagnat ng baby ay ok lang.. Pacheckup na agad po sa pedia tulad niyan may mga rashes na lumabas.. Hindi po yan normal.. Pakipacheckup na po si baby.. Tandaan ang dengue ay low grade fever lang on and off pa tapos with rashes din. Kaya mas maganda mapatingnan siya
Đọc thêmpa-check mo po agad sa pedia pag ganyan mamsh. 'wag ka mag consult dito sa app. iba't iba ang experiences at sakit ng mga bata. maraming uri at causes ng rashes. nakakamatay po ang measles. symptom din ng dengue ang rashes at fever.
Yung baby ko din mommy nagkarashes after nya lagnatin 3 days after nya lagnatin lumabas mga rashes nya tigdas hangin..kusa din po sya nawawala,pero much better na mag consult po Kayo sa doctor para sure po
Minsan may rashes after lagnatin ang daughter ko lalo pag may tinitake na gamot. pero hindi ganyan kadami mommy. Kaya po para sure kung ano po iyan, pacheck up nyo po sya sa pedia.
I think mommy nagkatigdas si baby mo..minsan Kasi nagkakasabay Yan ung Pag ngingipin. nilalagnat po Kasi muna ang baby bago lumabas sa katawan ung rashes tigdas po un .
consult nyo si bany sa pedia since nagkaron sya lagnat , ng makainom sya proper medicine para sa kanyang singaw at rushes, dahil sa viral infection.
Hello po, napa check nyo na po si baby? Better po sana if mapatignan para mas maintindihan po natin kung ano po need ni baby 💜✨
nawala rin agad kinabukasan mga rashes niya and okay napo si lo back to normal na ulit pagapang gapang😂 thank you sa mga sagot
pacheck up nyo po mommy para sure..
Plsss bring your baby to pedia