Mga mommies ask lang if okey ba mag party sa Jolibee for my Baby mag 1year old po siya dis coming August. mas tipid po ba dun? share naman po kayo. Thanks!
For me ok sa jollibee kasi wala ka na iisipan na decors, program at magluto ng food. Ang pinakagusto ko din ung dance number ni Jollibee. Ung friend ko na ung baby sa bahay sila naghanda nagpacater pa sila tpos siya pa nagdecor mas napamahal nung kinompara namin ung gastos. Sa bahay kasi unli party umaabot hanggang gabi ung handaan dahil nga sa bahay lang
Đọc thêmKung open ka sa DiY party, I suggest mag DiY ka na lang to make your baby's 1st birthday memorable. May mga printables naman na you can use. Search ka lang. If you have a theme in mind, mga ideas na pwede mong pagsama samahin, then ask for some help. Nakakapagod pero worth it 😊
Mas tipid kung sa bahay na lang at maghanda ka ng pansit or spaghetti, hehe. Mag-DIY kumbaga, mommy. Pero sulit din naman ang Jollibee. You can go to their party booking website - tapos puwede mong i-customize kung anong gusto mo at papakita sa yo kung magkano aabutin.
Maganda po ang mag diy at magluto at mas mura po iyan. Pero kung ayaw mo naman ng sobrang abala at madaming isipin na kailangang linisin pagkatapos ng party, mag Jollibee ka na lang po para less intindihin.
medyo may kamahalan nga sa jollibee. kc nung nag 1yr old ung baby q 50persons inabot ng 15k ehh. pag sa bahay ka lng mas makakamura ka un nga lng talaga pagod kau. 😃
madali at mas mura po pag DIY.marami namang mura na pang decor at may mga easy na pawding gawin.