Mild Bronchitis
Hello mga mommies. Ask ko lang sino nakaexperience sa baby ng mild bronchitis at niresetahan ng antibiotic (cefaclor). Nung nag 4 mos kasi si baby pinacheck up ko may halak kasi sya magtake daw antibiotic pero after 7 days di naman nawala agad. Weeks or month pa bago nawala halak nya. At ngayon 6 mos na baby ko wala naman halak, sipon, ubo or lagnat. Kaya ako nagpacheck up hina kasi mag gatas (NAN Optipro HW gatas nya 2 to 3 oz lang nauubos nya per feed at alternate ng breastmilk ko na di naman ganon kalakas din). Sabi ni doc may sipon daw sa loob kaya mahina mag milk. Bothered lang ako kasi antibiotic ulit. Ganoon din ba sa inyo? Antibiotic ang recommended ng doctor? Gusto ko lang malaman mommies if same recommendation ng doctor. Thank you. 🙂